Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
ABBA
ay isang
Suwekong
pangkat na bandang pang-musikang pop na nagkaroon ng mararaming naging tanyag na awitin at musika noong dekada ng 1970 at maagang bahagi ng dekada ng 1980. Nabuo ito sa
Suwesya
noong Nobyembre 1970. Binubuo ang banda nina
Anni-Frid Lyngstad
(Frida),
Bjorn Ulvaeus
,
Benny Andersson
and
Agnetha Faltskog
. Nasa itaas ng talangguhitang pangmusika sa buong mundo ang kanilang mga kanta mula 1972 hanggang 1982. Nagmula ang pangalan "ABBA" mula sa unang titik ng bawat titik ng mga unang pangalan ng kasapi ng banda: sina
A
gnetha Faltskog,
B
jorn Ulvaeus,
B
enny Andersson, at
A
nni-Frid Lyngstad. Naging opisyal na pangalan ng banda ang
ABBA
noong bandang huling bahagi ng 1973.
[1]
Opisyal na ipinakilala ang tatak ng banda ang "ABBA" na may nakabaligtad na unang "B", kaya't ang kaliwa at kanang mga hati ng pangalan ay mga larawan, repleksiyon, o "salamin" ng bawat isa.
Naging napakatanyag ng ABBA pagkaraang magwagi sila sa
Paligsahang Pang-awitin ng Eurovision
noong
1974
. Kabilang sa kanilang mga naging awitin ang "
Dancing Queen
", "
SOS
", "
Mamma Mia
", at "
Waterloo
". Karamihan sa kanilang mga kanta ang isinulat nina Bjorn Ulvaeus at Benny Andersson.
Naghiwalay ang banda noong
1983
, subalit nananatiling bantog ang kanilang tugtugin. Lumitaw ang kanilang musika sa mga pelikula, kabilang na sa mga pelikulang
Australyanong
The Adventures of Priscilla, Queen of the Desert
at
Muriel's Wedding
); pati na sa musikal na palabas na
Mamma Mia!
.
Ang lathalaing ito na tungkol sa
Musika
at
Suwesya
ay isang
usbong
. Makatutulong ka sa
Wikipedia
sa
pagpapalawig
nito.