Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
ika-10 siglo
(taon: AD 901 ? 1000), ay ang panahon mula
901
hanggang
1000
sang-ayon sa
kalendaryong Huliyano
, at ang huling
siglo
ng
unang milenyo
.
Sa panahong ito sa
Tsina
, naitatag ang
dinastiyang Song
. Nakaranas ang mundong
Muslim
ng isang pangkalinangang taluktok, lalo na sa
al-Andalus
sa ilalim ng Kalipato ng Cordoba at sa [[Imperyong Samanid] sa ilalim ng
Ismail Samani
. Karagdagan dito, nagkaroon ng ng pangkalinangang pagyabong ng
Imperyong Bisantino
ang ng Unang Imperyong Bulagaryo.
Sinabi ng medibiyalista at dalubhasa sa kasaysayan ng teknolohiya na si Lynn White na "sa makabagong mata, ito ang halos na pinakamadilim sa Panahong Madilim," ngunit nagkaroon ng konklusyon na ". . . kung naging madilim ito, nasa sinapupunan ang kadiliman."
[1]
Sa kaparehong opinyon, sinulat ni Helen Waddell na ang ikasampung siglo ay na kung saan "nasa pagtatalo ng aklat-aralin kasama ang
ikapito
sa masamang karangalan, ang pinakamababang lugar ng talino ng tao."
[2]
Noong
ika-15 dantaon
, isinalarawan ni Lorenzo Valla ang ika-11 siglo bilang ang
Dantaon ng Tingga at Bakal
at sa kalaunan, sinabi ni Kardinal Baronius]] ito bilang ang
Tininggang Siglo
o
Bakal na Siglo
.
- t.
909
: Bumangon ang Kalipatong Fatimid sa Kabylie, Kutama na Tribo
- t.
948
: Nagsimula ang Kahariang Nri sa lugar na tinatawag ngayong Timog-silangang
Nigeria
.
- t.
980
: Naitatag ang Pamantasang Al-Azhar sa
Cairo
ng dinastiyang Fatimid.
- Naabot ng kahariang Kristiyano na Nubiyano ang rurok ng kaunlaran at kapangyarihang militar
- Pagbagsak ng gitnang kapatagan ng
kabihasnang Maya
. Nagsimula ang posklasikong Maya. Naging isang pang-rehiyon na kabisera ang Chichen Itza sa Tangway ng Yucatan.
- Pag-angat ng mga Toltec sa
Mehiko
- Ginintuang panahon ng mga Ninunong Taga-Pueblo (Panahong Pueblo II)
- Nagsimula ang kalinangang Mississippiyano sa Katimugang Estados Unidos
- Noong 987, pinag-isa ni Ah Mekat Tutul Xiu ang Uxmal, Mayapan, at Chichen Itza na tinatatag Ang Liga ng Mayapan.
- Inatake ang kahariang Khazar at tinalo ng Kievan Rus (
965
)
- Nagsimula ang konstruksyon ng templong
Budista
sa
Bagan
,
Burma
- Noong
907
, ipinatapon ni
Zhu Quanzhong
si
Emperador Ai of Tang
at itinatag ang bagong Kinamamayaang Dinastiyang Liang.
- Noong
907
, pumutok ang
bulkang Sumbing
, sang-ayon sa inskripsyon sa Rukam.
- Noong
907
, nilikha ni Haring
Balitung
ang i
inskripsyong Mantyasih
na naglalaman ng tala ng mga haring
Medang
, at nilipat niya ang kabisera mula Mamrati tungong Poh Pitu, at pinalawak ang templo ng Prambanan.
- Noong
910
, pinaalis ni
Parantaka I
ng
Dinastiyang Chola
ang
Pandyan
mla sa katimugang
Indya
tungo sa Lanka (
Sri Lanka
ngayon), na sinakop din niya sa kalaunan.
- Noong
914
, namuno ang
dinastiyang Warmadeway
sa
Bali
.
[3]
(to 1080)
- Noong
919
, nangyari ang unang paggamit ng
pulbura
sa labanan, ang
Labanan ng Langshan Jiang
sa Tsina, kung saan tinalo ng armadang pandagat ng
Wuyue
sa ilalim ni
Qian Yuanguan
ang armadang
Wu
. Ginamit ni Qian ang mga sandatang bumubuga ng apoy (
flamethrower
) na sumiklab sa pamamagitan ng pulbura na minimitsa ang armadang Wu.
- Noong
928
, naitatag ang
dinastiyang Ziyarid
sa Hilagang
Iran
.
- Noong
928
, sa paghahari ni
Haring Wawa
, nawasak ang kabisera ng
Kahariang Medang
sa
Mataram
, marahil sa pamamagitan ng pagsabog ng
Bundok Merapi
.
- Noong
929
, nilipat ni
Mpu Sindok
ang luklukan ng kapangyarihan ng
Kaharian ng Medang
mula
Mataram
sa
Gitnang Java
tungong Tamwlang sa
Silangang Java
at itinatag ang
Dinastiyang Isyana
. marahil ang paglipat ay dulot ng pagputok ng
Bundok Merapi
at/o pagsalakay ng
Srivijaya
.
[4]
- Noong dekada 930, itinatatag at kinontrol ng
Persiyanong
Shia
na
dinastiyang Buyid
ang gitna at kanluraning bahagi ng
Iran
gayon din ang karamihan ng
Iraq
.
- Noong
936
, ipinag-isa ng
Dinastiyang Goryeo
ang
Kinamamayaang Tatlong Kaharian ng Korea
.
- Noong
937
, inilipat muli ni
Mpu Sindok
ang kabisera mula Tamwlang tungong Watugaluh, parehong malapit sa pampang ng
Ilog Brantas
sa makabagong
Jombang
sa
Silangang Java
.
- Noong
960
, itinatatag ni
Zhao Kuangyin
ang
dinastiyang Song
.
- Noong
960
, nagpalit ng pananampalataya ang mga
Seljuk
tungong
Islam
.
- Noong
975
, naitatag ang dinastiyang
Ghaznavid
, bilang ang unag Turkong
Sultanato
, sa
Gitnang Asya
.
- Noong
979
, napag-isa ng dinastiyang Song ang
Tsina
.
- Noong dekada 980, naganap ang dinastikong kasal sa pagitan nina prinsesa
Mahendradatta
ng Habanes na
Isyanas
at haring
Udayana
ng Balines na
Warmadewas
.
- Ang mga baybaying lungsod sa
Tangway ng Malaya
ay ang punla para sa unang nakatalang
kahariang
Malaya
,
- Noong
990
, nagbunsad ang Haring
Dharmawangsa
ng kaharian ng Medang ng pandagat na pagsalakay sa
Palembang
sa isang hindi matagumpay na pagsakop sa Srivijaya. (hanggang 1006)
- Noong
990
, Si
Airlangga
, anak nina Haring Udayana at Reyna Mahendradatta ay ipinanganak sa Bali.
- Noong
996
, kinomisyon ni Dharmawangsa ang pagsalin ng
Mahabharata
sa
Lumang Habanes
.
[5]
- Noong 999, natalo at nasakop ang
dinastiyang Samanid
ng mga
Ghaznavid
.
- Nanarihan ang mga pangkat ng
Viking
sa Hilagang
Pransya
- 907: Pininsala ng mga Loire Viking ang
Bretanya
; umalis ang korteng Breton sa
Inglatera
ni Edward ang matanda.
- Naging mga Norman ang mga Norse
- Winasak ng Unggarong hukbo ang Bavariyanong puwersa sa ilalim ni Liutpold at haring Louis ang Bata sa Labanan ng Pressburg. Nalipol lahat ang puwersang Aleman.
- 911: Ginawad sa Viking na si
Rollo
ang Kondehan ng Rouen ng Pransya: ang opisyal na pundasyon ng
Normandiya
.
- Pagkakatatag ng Cluny, unang nakapederasyong monastikong orden
- Pinatatag ni Emperador Simeon ang Dakila ang Unang Imperyong Bulgaro bilang isa sa pinakamalakas na estado sa Europa
- Noong
917
(20 Agosto 917), winasak ng mga Bulgaro ang hukbong Bisantino sa Labanan ng Anchialus, isa sa mga madugong labanan sa Gitnang Panahon
- 927
: opisyal na pagkilala ng unang malayang pambansang Simbahan ng Europa, ang Bulgarong Patriyarkado
- 927: Naging pinag-isang estado ang
Kaharian ng Inglatera
.
- t. 936: Si Gorm ang Matanda ay ang unang nakilalang hari ng
Dinmarka
, at sa gayon naitatag ang Monarkiyang Danes.
- 936: Sinimulan ni Alan II, na may suporta mula Æthelstan, ang muling pagsakop ng
Bretanya
.
- 955: Nakita ng Labanan ng Lechfeld (10 Agosto 955) ang tiyak na tagumpay para kay Otto I ang Dakila, Hari ng mga Aleman, mula sa Ungarong harka Bulcsu at ang mga pinuno ng Lel (Lehel) at Sur.
- 968: Ang Labanan ng Silistra sa pagitan ng mga Ruso at Bulgaro
- Paglusob ng kawaleryang Magyar (Ungaro) sa buong Kanlurang Europa (47 ekspedisyon sa
Alemanya
,
Italya
at
Pransya
,
899
?
970
)
- Si Mieszko I, unang duke ng
Polonya
, ay biniyagan bilang isang Kristiyano noong
966
- Pagbagsak ng Dakilang Moravia
- 985-986: Nagsimula ang mga Norse na si Erik ang Pula ng kolonisasyon ng
Greenland
.
- Naging pinag-isang kaharian ang medyebal na estadong Croatia sa ilalim ni Haring Tomislav
- Lumawak ang impluwensyang Suweko hanggang
Dagat Itim
- Bininyagan si Volodymyr I, Prinsipe ng Kievan Rus', bilang isang Kristiyano noong
988
- Nalipol na ang mga
karibu
at oso sa
Britanya
- Nalipol na ang mga leon sa Europa at sa petsang ito, namatay ang huling espesye sa
Caucasus
.
- Ikalawang bahagi ng ika-10 siglo ? Nagawa mula sa Paris Psalter ang pahina kasama si David ang Salmista. Nasa pangangalaga na ito ng Bibliotheque Nationale,
Paris
.
- Huling ika-10 o maagang ika-11 siglo ? nagawa ang ikonong Arkanghell Michail. Nasa pangangalaga na ito ng Tesorerya ng Katedral ng San Marcos,
Benisiya
- Mga 1000: Ang pagkakatatag ng Silangang Panirahan at Kanlurang Panirahan sa
Greenland
.
- Pagbuo ng Imperyong Tu'i Tonga at ng dinastiyang Tu?i Tonga sa
Tonga
- ↑
Quoted in
The Tenth Century: How Dark the Dark Ages?
, pinatnugot ni Robert Sabatino Lopez. Holt, Rinehart at Winston: 1959 (sa Ingles).
- ↑
The Wandering Scholars
. Constable and Co: London, 1927. (sa Ingles)
- ↑
Soekmono, R, Drs., Pengantar Sejarah Kebudayaan Indonesia 2, 2nd ed. Penerbit Kanisius, Yogyakarta, 1973, 5th reprint edition in 1988 p.52
- ↑
Spuler, Bertold; F.R.C Bagley.
The Muslim world : a historical survey, Part 4
. Brill Archive. p. 252.
ISBN
978-90-04-06196-5
.
- ↑
Soekmono, R, Drs., Pengantar Sejarah Kebudayaan Indonesia 2, 2nd ed. Penerbit Kanisius, Yogyakarta, 1973, 5th reprint edition in 1988 p.51