Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Nagsimula ang
ika-8 dantaon BC
noong unang araw ng
800 BC
at natapos noong huling araw ng
701 BC
. Isang panahon ang ika-8 dantaon BC ng malaking pagbabago para sa ilang mahahalagang makasaysayang
kabihasnan
. Sa
Ehipto
, ang ika-23 at ika-24 na mga dinastiya ay nanguna upang mamuno mula sa
Nubia
sa ika-25 dinastiya. Naabot ang rurok ng kapangyarihan ng
Imperyong Neo-Asiryo
, na sinakop ang
Kaharian ng Israel
, gayon din ang mga katabing mga bansa.
Naging
kolonya
ng
Gresya
ang mga rehiyon ng
Dagat Mediteranyo
at
Dagat Itim
. Naitatag ang
Roma
noong
753 BC
, at lumawak ang kabihasnang
Etrusko
sa
Italya
. Kombensyunal na kinuha ang ika-8 dantaon bilang ang simula ng
Sinaunang Panahon
, kasama ang unang
Olimpiyada
na tinakda noong 776 BC, at ang mga
epiko
ni
Homer
ay nilagyan ng petsa sa pagitan ng 750 at 650 BC.
Pumasok ang
Panahon ng Bakal
sa
Indya
sa kalaunang kapanahunang Vediko. Nakaanatado ang mga ritwal ng Vediko sa maraming pang-pari mga paaralan sa mga komentaryong Brahmana, at minarkahan ng pinakaunang
Upanishad
ang simula ng
pilosopiyang
Vedanta
.
- Midas
(Hari ng Phrygia)
- Adad-nirari III
, hari ng
Asirya
- Ashur-dan III
, hari ng Asirya
- Bakenranef
(kilala din bilang Bocchoris) sumunod sa kanyang tatay na si Tefnakhte bilang hari ng ika-24 na dinastiya ng Ehipto
- Hezekiah
ng
Kaharian ng Judah
(naghari
715
-
687 BC
).
- Numa Pompilius
, hari ng
Roma
- Osorkon III
,
Paraon
ng ika-22 dinastiya ng Ehipto
- Rhea Silvia
, ina nina
Romulo at Remo
- Romulo
, hari ng Roma
- Rudamun
, paraon ng ika-23 dinastiya ng Ehipto
- Sargon
, sinundan si
Shalmaneser V
bilang hari ng
Asirya
- Sennacherib
, hari ng Asirya
- Shalmaneser V
, hari ng Asirya
- Shabaka
, sinundan ang kanyang amang si
Piye
bilang hari ng ika-25 dinastiya ng Ehipto
- Shabaka
, pinatay si
Bakenranef
(Bocchoris)
- Takelot III
, paraon ng ika-23 dinastiya ng Ehipto
- Tiglath-Pileser III
, hari ng Assyria
- Hesiod
, Griyegong makata
- Homer
(hindi alam ang tumpak na petsa, kadalasang tinatayang nasa huling bahagi ng ika-8 siglo BC)