Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
ika-6 na daantaon BC
ay nagsimula ng unang araw ng 600 BC at nagtapos sa huling araw ng 501 BC.
Mapa ng mundo noong 500 BCE
Nilikha ni P??ini sa
India
ang isang
balarila
para sa
Sanskrit
sa siglong ito o mas kaunti pa sa kalaunan nito.
[1]
Ito ang nanatiling ang pinakamatandang kilalang balarila ng anumang
wika
. Sa
Malapit na Silangan
, ang unang kalahati ng siglong ito ay pinanaigan ng
Imperyong Neo-Babilonyano
o Imperyong Kaldeo na umakyat sa kapangyarihan noong huli bahagi ng siglo matapos na matagumpay na makapaghimagsik laban sa pamumuno ng Imperyong Asiryo. Gayunpaman, ang pamumunong Babilonya ay napabagsak at pinalitan noong mga 539 BC ni
Dakilang Ciro
na nagtatag ng
Imperyong Akemenida
(Imperyong Persa). Ang Imperyong Persa ay patuloy na lumawak at lumago sa pinamalaking imperyo ng mundo sa panahong ito. Sa Europang Panahong Bakal, ang paglawak na Seltiko ay nagpapatuloy. Ang
Tsina
ay nasa Panahong Tagsibol at Taglagas.
Ang ika-5 at ika-6 na mga siglo BC ay panahon ng mga imperyo, ngunit mas mahalaga, isang panahon ng pagtututo at
pilosopiya
.