한국   대만   중국   일본 
Ika-6 na dantaon - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Ika-6 na dantaon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa 581 )
Milenyo : ika-1 milenyo
Mga siglo :
Mga dekada : dekada  500 dekada 510 dekada 520 dekada 530 dekada 540
dekada 550 dekada 560 dekada 570 dekada 580 dekada 590
Ang mundo noong simula ng mundo noong ika-6 na siglo AD.

Ang ika-6 na dantaon (taon: AD 501 ? 600), ay isang panahon mula 501 hanggang 600 sang-ayon sa kalendaryong Huliyano . Sa Kanluran, minarka ang panahon na ito bilang ang katapusan ng Klasikong Antikwidad at ang simula ng Gitnang Panahon . Ang pagbagsak ng Kanlurang Imperyong Romano noong huling bahagi ng nakaraang siglo ay nag-iwan sa Europa ng pagbali sa maraming maliit na Alemang kaharian na mabangis na nakikipagkumpitensya para sa lupain at yaman.

Kasaysayan [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

Mula sa pag-aalsa, bumangon sng mga Pranko sa katanyagan at inukit ang isang may kalakihan dominyo na tinatakpan ang karamihan ng makabagong Pransya at Alemanya . Habang, nagsimula ang natitirang Kanlurang Imperyong Romano na lumaki sa ilalim ni Emperador Justiniano I , na muling binihag ang Hilagang Aprika mula sa Vandals at sinubok na ganap na muling makuha ang Italya , sa pag-asa na muling ibalik ang kontrol ng Romano sa mga lupain ng minsa'y pinamunuan ng Kanlurang Imperyong Romano .

Sa ikalawang nitong Ginintuang Panahon , naabot ng Imperyong Sasanida ang tuktok ng kapangyarihan nito sa ilalim ni Khosrau I noong ika-6 na siglo. [1] Ang klasikong Imperyong Gupta ng Hilagang Indya , ay higit na nasobrahan ng mga Huna, ay natapos noong gitnang ika-6 na dantaon.

Sa Hapon , ang panahong Kofun ay nagbigay-daan sa panahong Asuka . Pagkatapos na mahati sa higit sa 150 taon sa mga Dinastiya sa Katimugan at Hilaga, muling napag-isa ang Tsina sa ilalim ng Dinastiyang Sui tungo sa dulo ng ika-6 na siglo. Nanatili ang Tatlong Kaharian ng Korea sa buong siglo. Naging pangunahing kapangyarihan ang Gokturks sa Gitnang Asya na tinalo ang Rouran .

Sa mga Amerika , nagsimulang manghina ang Teotihuacan noong ika-6 na siglo pagkatapos ng maabot ang tugatog nito sa pagitan ng AD 150 and 450.

Mahalagang tao [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

  • Haring Arturo , malaamat na Britong hari at nagtagumpay sa mga Anglosahon
Haring Arturo

Mga sanggunian [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

  1. Roberts, J: "History of the World.". Penguin, 1994. (sa Ingles)