Nagsimula ang
ika-5 dantaon BC
noong unang araw ng
500 BC
at nagtapos noong huling araw ng
401 BC
.
Nakita ng siglong ito ang pagkatatag ng Pataliputra bilang isang kabisera ng Imperyong Magadha. Ang lungsod na ito ay magiging naghaharing kabisera ng iba't ibang mga
kaharian
ng
Indya
sa loob ng halos isang libong taon. Nakita ng panahon na ito ang dalawang
pampilosopiyang
paaralan sa silangan, ang
Jainismo
at
Budismo
. Nakita ng panahon na ito ang pagkalat nina
Mahavira
at
Buddha
na kani-kanilang mga katuruan sa hilagang
kapatagan
ng Indya. Mahalagang binago nito ang dinamikang sosyo-kultural at pampolitika ng rehiyon sa
Timog Asya
. Kalaunang magiging isa sa mga pangunahing
relihiyon
sa
sanlibutan
ang Budismo.
Nakita rin ng panahon na ito ang gawa ni Yaska, na nilikha ang Nirukta, na ilalagay ang batong pundasyon para sa
balarilang
Sanskrit
at ito ang isa sa mga pinakalumang mga gawa sa balarila na nakilala ng sangkatauhan.
Tradisyunal na kinikilala ang siglo na ito bilang ang klasikong panahon ng mga
Griyego
, na mapapagtuloy hanggang sa
ika-4 na dantaon BC
hanggang sa panahon ni
Alejandrong Dakila
. Kinatawan ang buhay ni
Socrates
ng isang pangunahing punto sa
pilosopiyang Griyego
bagaman nanatili lamang ang kanyang mga katuruan sa pamamagitan ng kanyang mga mag-aaral, mas kapansin-pansin sina
Plato
at
Xenophon
. Ang mga trahikong sina
Aeschylus
,
Sophocles
, at
Euripides
, at gayon din ang komedyanteng si
Aristophanes
, na pinetsahan mula sa panahong ito, at marami sa kanilang mga gawa ay tinuturing pa rin mga klasiko ng kanluraning panteatrong kanoniko.
Pinaglabanan ang Digmaang Persa sa pagitan ng isa koalisyon ng mga lungsod ng Griyego at ang malawak na
Imperyong Akemenida
na
Imperyong Persa
ay isang mahalagang sandali sa politikang Griyego. Matapos na matagumpay na mapigilan ang pagdudugtong ng Gresya ng mga Persa, walang intensyon ang Sparta, ang nangingibabaw na kapangyarihan sa koalisyon, na magdagdag pa ng opensibang aksyon at isaalang-alang ang digmaan. Samantala, nagkontra-atake ang Atenas, na pinalaya ang mga mamamayang Griyego ng Imperyong Persa sa taas at baba ng baybaying Ioniko at pinagana ang isang bagong koalisyon, ang Ligang Delos. Ang mga tensyon sa pagitan ng Atenas, at lumalagong imperyalistikong ambisyon nito bilang pinuno ng Ligang Delos, at tradisyunal na namamayaning Sparta ay nagdulot sa pinahabang walang talo o walang panalo sa Digmaang Peloponeso.
Ang ika-5 at ika-6 na siglo ay isang panahon ng karunungang
pilosopikal
sa mga sumusulong na mga sibilisasyon. Sumulong ang Lumang
pilosopiyang Griyego
noong ika-5 siglo BC, na ginawang haligi para sa ideolohiyang Kanluranin. Sa
Atenas
at saan mang sa mundo ng Mediteranyo, tinatakda ang ika-5 siglo BC ng isang mataas na punto ng pagsulong ng mga
politikal
na institusyon,
sining
,
arkitektura
, at
panitikan
.
- Phidias
, Griyegong manlililok, pintor at arkitekto