Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
ika-4 na dantaon
(taon: AD 301 ? 400), (batay sa
kalendaryong Huliyano
at
Anno Domini
/
Karaniwang Panahon
) ay ang panahon na tumagal mula
301
hanggang
400
. Sa Kanluran, ang unang bahagi ng dantaon ay hinubog ni
Dakilang Constantino
, na naging unang emperador Romano na ipinagtibay ang
Kristiyanismo
. Nakuha ang iisang paghahari sa imperyo, nakilala siya sa muling pagtatag ng iisang kabiserang imperyal, na pinili ang lugar ng sinaunang
Bisantino
noong 330 (sa kabila ng mga kasalukuyang mga kabisera, na epektibong pinalitan ng mga reporma ni
Diocleciano
sa
Milan
sa Kanluran, at ni Nicomedia sa Silangan) upang itayo ang lungsod na tinawag agad bilang Nova Roma (Bagong Roma); napalitan ito sa kalaunan bilang
Constantinopla
sa kanyang karangalan.
Sa
Tsina
, nagsimula ang dinastiyang Jin, na pinag-isa ang mga bansa bago ang 280, na mabilis na hinarap ang mga kaguluhan noong simula ng siglo dahil sa panloob na pampolitikang awayan, na nagdulot sa duhapang pag-aalsa ng hilagang barbarong angkan (na sinumulan ang panahon ng
Labing-anim na Kaharian
), na mabilis na nagapi ang imperyo, na pinuwersa ang korte ng Jin na umatras at nanatili sa timog na lagpas sa ilog
Yangtze
, na sinimulan ang tinatawag na Silangang Dinastiyang Jin noong 317.
Sang-ayon sa mga arkeologo, inuugnay ng sapat na pang-
arkeolohiyang
ebidensya ang mga lipunan na nasa antas ng
estado
ang nagsanib sa ika-4 na siglo upang ipakita ang pagkakaroon sa Korea ng
Tatlong Kaharian
(300/400?668 AD) ng
Baekje
,
Goguryeo
, at
Silla
.
Maaring tinutukoy ng mga dalubhasa sa kasaysayan ng
Imperyong Romano
ang "Mahabang Ikaapat na Dantaon" sa isang panahon na tumatagal sa mismong ikaapat na siglo, ngunit nagsimula ng maaga mula sa pag-akyat ni emperador
Diocleciano
noong
284
at nagtapos noong pagkamatay ni
Honorius
noong
423
o ni
Theodosius II
noong
450
.
[1]
- Arcadius
, Romanong emperador (377-408, naghari 383-408).
- Constans
, Romanong emperador (tinatayang 323-350, naghari 337-350).
- Dakilang Constantino
, Romanong emperador (272-337, naghari 306-337).
- Constantino II
, Romanong emperador (316-340, naghari 337-340).
- Constantius Chlorus
, Romanong emperador (tinatayang 250-306, naghari 293-306).
- Constantius II
, Romanong emperador (317-361, naghari 337-361).
- Dalmacio
, Romanong Cesar (namatay 337, reign 335-337).
- Diocleciano
, Romanong emperador (244-312, naghari 284-305).
- Eugenius
, Romanong emperador (namatay 394, naghari 392-394).
- Eusebio
, Griyegong dalubhasa sa kasaysayan
- Galerius
, Romanong emperador (tinatayang 260-311, naghari 293-311).
- Gratian
, Romanong emperador (359-383, naghari 367-383).
- Honorius
, Romanong emperador (384-423, naghari 393-423).
- Jeronimo
, Kristiyanong pari, monghe at tagasalin
- Juan Crisostomo
, Syrian-born Partriarka ng Constaninopla na ipinanganak sa Syria
- Licinius
, Romanong emperador (tinatayang 263-325, naghari 308-324).
- Magnentius
, Roman usurper (303-353, naghari 350-353).
- Magnus Maximus
, Romanong emperador (tinatayang 335-388, naghari 383-388).
- Maxentius
, Romanong emperador (tinatayang 278-312, naghari 306-312).
- Maximiano
, Romanong emperador(tinatayang 250-310, naghari 285-305, 306-308, 310).
- Flavius Valerius Severus
, Romanong emperador(3rd century-307, naghari 305-307).
- Theodosius I
, Romanong emperador (347-395, naghari 379-395).
- Valerius Valens
, Romanong emperador (namatay 317, naghari 316-317).
- Valens
, Romanong emperador (328-378, naghari 364-378).
- Valentiniano I
, Romanong emperador (321-375, naghari 364-375).
- Valentiniano II
, Romanong emperador(371-392, naghari 375-392).
- Vetranio
, Romanong emperador (tinatayang namatay 356, naghari 350).
- Agustin
, Kristiyanong teologo, obispo ng Hipona
- Ambrose
, Kristiyanong teologo, obispo ng
Milano
.
- Basil
the Great, Kristiyanong teologo, obispo ng Caesarea sa
Cappadocia
.
- Gregory of Nyssa
, Kristiyanong teologo, obispo ng Nyssa, nakakabatang kapatid ni Basil.
- Gregory of Nazianzus
, Kristiyanong teologo, obispo ng Nazianzus
- ↑
The Long Fourth Century 284-450: Continuity and Change in the Later Roman Empire ed. S. McGill, C. Sogno and E. Watts (Cambridge 2008). (sa Ingles)