Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
2 Pallas
(binibigkas na
/
/
) ay isang
asteroyd
na matatagpuan sa
Sinturon ng asteroyd
sa pagitan ng mga ligiran ng
Marte
at
Hupiter
, at ang pangalawang asteroyd na natuklasan matapos ang
Ceres
. Ito ay unang natuklasan noong 28 Marso 1802 ni Heinrich Wilhelm Olbers sa
Bremen
, at inihayag ito bilang bagong planeta.
[1]
Kalaunan ay inuri ito bilang isang planetang unano matapos ang pagtuklas sa iba pang mga asteroyd noong 1845, at noong dekada 1950s ay muli itong inuri bilang isang asteroyd matapos ang realisasyon na hindi magkapareho ang pagkabuo ng mga asteroyd sa mga planeta.
Ang Pallas ay may diametro na
513
±
3 km
. Ito ang ikatlong pinakamalaking asteroyd sa Sinturon ng asteroyd kasunod ng
Vesta
.
[3]
[4]
Ito ay may
maliwanag na kalakhan
na sumasaklaw mula 6.49 hanggang 10.65, na siyang dahilan kung bakit masyado itong madilim kapag titignan gamit ang mata lamang.