Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
ika-3 dantaon BC
ay nagsimula noong unang araw ng
300 BC
at nagtapos noong huling araw ng
201 BC
. Tinuturing itong bahagi ng Sinaunang panahon, kapanahunan, o makasaysayang panahon.
Sa Palanggana ng
Mediteranyo
, ang unang ilang mga dekada ng siglong ito ay nakikilala sa pamamagitan ng isang balanse ng kapangyarihan sa pagitan ng mga
Griyegong
Hellenisitikong mga kaharian sa silangan, at ang dakilang kapangyarihan sa pangangalakal ng
Kartago
sa kanluran. Nabasag ang balanseng ito nang umusbong ang hidwaan sa pagitan ng mga sinaunang Kartago at ang
Republikang Romano
. Noong mga sumunod na dekada, ang Republikang Kartaginesa ay kinawawa noong una at winasak pagkatapos ng mga Romano noong Una at Ikalawang
Digmaang Puniko
. Pagkatapos ng Ikalawang
Digmaang Puniko
, naging isang mahalagang kapangyarihan ang Roma sa kanluraning Mediteranyo.
Sa silangang Mediteranyo, lumaban ang
Imperyong Seleucid
at Kahariang Ptolomaiko, at mga estadong humalili sa
imperyo
ni
Alejandrong Dakila
sa isang serye ng mga Digmaang Siriyo para kontrolin ang
Lebante
. Sa kalupaang
Gresya
, ang dinastiyang Antipatrid ng
Macedonia
na may maikling buhay ay pinatalsik at napalitan ng dinastiyang Antigonid noong 294 BC, isang bahay maharlika na magdodomina sa mga ugnayan ng Hellenistikong Gresya sa halos isang dantaon hanggang noong Unang Macedonyong Digmaan (na walang natalo o nanalo) na lumaban sa mga Roma. Matatalo din ang Macedonia sa Digmaang Kretense laban sa Griyegong estadong-lungsod ng
Rodas
at ang mga kaalyansa nito.
Sa
India
, namuno si
Ashoka
sa
Imperyong Maurya
. Umusbong ang mga dinastiyang Pandya, Chola at Chera ng klasikong panahon sa sinaunang bansang
Tamil
.
Nagtapos na ang mga Nagdidigmaang Estado sa Tsina, sa pagsakop ni
Qin Shi Huang
sa iba pang estadong-bansa at itinatag ang
dinastiyang Qin
, ang unang imperyo ng Tsina, na sinundan sa parehong siglo ng pangmatagalang
dinastiyang Han
. Bagaman, nagkaroon ng panahon ng paghintong sandali at digmaang sibil sa pagitan ng the Qin at Han na kinalala bilang pagtatalong Chu-Han, na tumagal hanggang 202 BC sa pangwakas na tagumpay ni
Liu Bang
kay
Xiang Yu
.
Nagsimula ang Panahong Protohistoriko sa
Tangway ng Korea
. Sa sumunod na siglo, ang Tsinong dinastiyang Han ay sinakop ang kaharian ng
Gojoseon
sa hilagang Korea. Nasa rurok na ng kapangyarihan ang
Xiongnu
sa
Mongolia
. Natalo nila ang mga Tsinong Han sa Labanan sa Baideng noong 200 BC, na minarkahan ang simula ng pinuwersang
Heqin
na tributaryong kasunduan at alyansang kasal na tumagal ng ilang mga dekada.
- Tumpak na kinalkula ni
Eratostenes
ang kabilugan ng
Daigdig
at ipinakilala ang salaan ni Erastostenes, isang
algoritmo
na kinikilala ang mga
pangunahing bilang
.
- Mahusay na itinatag ang
Weiqi
sa
Tsina
, at maaring nagsimula noong
ika-2 milenyo BC
.
- Ang unang Romanong
sundial
o kuwadranteng pang-araw (293 BC).
[1]
- Inimbento ni
Archimedes
ang turnilyong pantubig.
- Ang algoritmong Euclidiyano, ang pinakalumang algoritmo na ginagamit pa rin hanggang ngayon, ay ipinakilala ni
Euclid
.
- Iniluwas ang
seda
sa
Europa
mula sa Tsina.
- Inimbento ng mga Griyego ang umiikot na gilingan
[2]