Ang
ikatlong dantaon AD
(taon: AD 201 ? 300), ay ang panahon mula
201
hanggang
300
. Sa panahong ito, nagkaroon ng krisis ang
Imperyong Romano
, simula sa pagpaslang sa Romanong Emperador na si
Severus Alexander
noong 235, na pinabagsak ang imperyo sa isang panahon ng suliraning ekonomiko, barbarong pagsalakay, pag-aalsang pampolitika, digmaang sibil, at paghihiwalay ng Imperyong Romano sa Imperyong Galo sa kanluran at Imperyong Palmira sa silangan, na sama-samang binantaan na wasakin ang Imperyong Romano sa kabuuan, datapwa't ang muling pananakop ng tumiwalag na mga teritoryo ni Emperador
Aureliano
at ang panahon ng pagpapatibay sa ilalim ni Emperador
Diocleciano
dahil sa administratibong pagpapalakas ng imperyo ay nagdulot ng katupasan ng krisis noong 284. Minarkahan ng krisis ang simula ng Huling
Sinaunang Panahon
.
Sa
Persya
, pinalitan ng
Imperyong Parto
ang Imperyong Sasanida noong 224 pagkatapos talunin at patayin ni Ardashir I si Artabanus V noong Labanan ng Hormozdgan. Pinasuko ng mga Sasanida ang maraming kanlurang bahagi ng nanghihinang Imperyong Kushan.
Sa
Tsina
, nagpatuloy ang kaguluhan na nagaganap simula pa noong 189 sa pagkatalo ni
Cao Cao
sa Labanan ng mga Pulang Talampas noong 208,
[1]
na pinataas ang pagtapos sa pag-asa ng pag-iisa at pamunuan ang dibisyon ng Tsina sa tatlong pangunahing imperyo:
Shu
,
Wu
, and
Wei
, kolokyal na kilala bilang panahon ng
Tatlong Kaharian
,
[2]
na nagsimula noong 220 na may pormal na pagbitiw ni Emperador Xian ng Han, para ibigay sa anak ni Cao Cao, na si
Cao Pi
, sa gayon, naitatag ang Wei, na nagpatuloy sa pananakop ng Shu noong 263, ngunit mapagkakaisa din sa kalaunan sa ilalim ng dinastiyang Jin, na pinamunuan ng angkan Sima, na aagawin ang Wei noong 266, at sakupin ang Wu noong 280.
Sa
Subkontinenteng Indiyano
, bumangon ang
Imperyong Gupta
tungo sa dulo ng siglo.
Pinamuan ang
Korea
ng
Tatlong Kaharian ng Korea
. Pumasok ang
Hapon
sa
panahong Kofun
. Binuo ng
Xiongnu
ang estadong
Tiefu
sa ilalim ni Liu Qubei. Karamihang nagdomina sa kalupaan ng Timog-silangang Asya ang
Funan
; ang unang kaharian ng mga
Khmer
(mga taga-
Kambodya
).
Sa panahon din na ito sa Sub-sahariyanang Aprika, umabot ang pagpalawak ng Bantu sa
Katimugang Aprika
.
Sa Amerika bago ang Kolumbiyano, nanghina ang kulturang Adena sa lambak ng Ilog Ohio upang paboran ang kulturang Hopewell. Pumasok ang
kabihasnang Maya
sa Klasikong Panahon nito.
- Aureliano
, Romanong emperador
- Caracalla
, Romanong emperador
- Constantius Chlorus
, Romanong emperador
- Diocleciano
, Romanong emperador
- Elagabalus
, Romanong emperador
- Gallienus
, Romanong emperador
- Maximinus Thrax
, Romanong emperador
- Felipe ang Arabe
, Romanong emperador
- Septimius Severus
, Romanong emperador
- Severus Alexander
, Romanong emperador
- Valeriano
, Romanong emperador
- Origen
, Romanong Kristiyanong manunulat at teologo
- Liu Hui
, Tsinong matematiko