Ang
ikalawang dantaon
(taon: AD 101 ? 200), ay isang panahon mula 101 hanggang
200
sang-ayon sa
kalendaryong Huliyano
. Tinuturing itong bahagi ng Klasikong panahon, kapanahunan, o makasaysayang panahon.
Noong unang bahagi ng siglo, natamo ng
Imperyong Romano
ang pinakamalaking pagpapalawak sa ilalim ni emperador
Trajano
, ngunit pagkatapos ng kanyang kamatayan, naging depensibo ang imperyo sa natitirang panahon nito sa kasaysayan. Sa panahong ito nangyari ang karamihan sa kaunlaran ng imperyo, na pinamunuan ng Limang Mabubuting Emperador, ang sunod-sunod na mga pinuno na tinatanggap ng mabuti at may kakayahan.
[1]
Nakita rin sa panahon na ito ang pagtanggal ng mga
Hudyo
mula sa
Jerusalem
noong paghahari ni
Adriano
pagkatapos ng
paghihimagsik ni Bar Kokhba
. Noong huling sangkapat ng dantaon, nakita ang katupasan ng panahon ng kapayapaan at kaunlaran na kilala bilang
Pax Romana
noong pagkamatay ni emperador
Marco Aurelio
, ang huli sa Limang "Mabubuting Emperador," at ang pag-akyat ni
Comodo
. Pagkatapos na paslangin si Comodo noong 192, sumunod ang isang magulong panahon na kilala bilang Taon ng Limang Emperador, na, pagkatapos ng magkasunod na pagtanggal kina
Pertinax
at
Didio Julianio
mula sa kapangyarihan, nilaban ng heneral na naging emperador na si
Septimio Severo
, tagpagtatag ng dinastiyang Severano, ang mga kalabang umaangkin sa anyo ni Pescenio Niger, na tinalo ang kanyang puwersa sa Labanan ng Issus noong 194, at Clodio Albino, na natalo sa Labanan ng Lugdunum noong 197, na nagbigay sa kanya ng tanging awtoridad sa buong imperyo.
Bagaman matatag na nasemento sa kapangyarihan ang
Dinastiyang Han
ng
Tsina
at napalawak nito ang kanyang imperyal na impluwensiya sa
Gitnang Asya
noong unang kalahati ng dantaon, noong ikalawang kalahati, lumaganap ang korupsyon at bukas na paghihimagsik. Sinimulan nito ang hinantungang paghina, at noong Setyembre 189, ang heneral na Han na si
Dong Zhuo
, pagkatapos ipatawag sa kabisera ni
He Jin
upang tulungang sugpuin ang nasusuhulan at makapangyarihang pangkat ng
bating
sa pamamagitan ng pagsisilbi bilang isang mananakot sa pareho sa kanila at ang Emperatris Dowager, ay minartsa ang kanyang hukbo sa
Luoyang
kaugnay sa pagkakapaslang kay He Jin at ang kasunod na pagpatay sa mga bating, na inokupahan ang kabisera at epektibo na naging
de facto
na pinuno ng pamahalaan, bagaman, mabilis na kinuha ng mga pinuno ng militar at opisyal ng pamahalaan mula sa kanya sa isang kampanya, na habang bigo na patumbahin siya, pinilit si Dong Zhuo na ilipat ang luklukan ng imperyal na kapangyarihan sa lalong malayong kanluran sa
Chang'an
. Nang namatay si Dong Zhuo noong 192, nagpatuloy ang gulo sa kabila ng pagbasak ng sentralisadong awtoridad, na iba't ibang pinuong militar na sinubok na maging kataas-taasang kapangyarihan upang maitatag o hawakan sa kanilang awtoridad ang nabubulok na imperyo. Samantala, ang mga dating tagasunod ni Dong Zhuo na sina
Li Jue
at
Guo Si
ay naiwan upang makipagbangayan sa kanilang mga sarili, habang tumakas at nagbalik sa napinsalang lungsod ng Luoyang ang emperador sa kalaunan, ngunit daglian pagkatapos nito, noong 196, binigyan siya ng kanlungan ng pinunong militar na si
Cao Cao
, na inilipat siya sa bagong kabiserang lungsod ng
Xu
, kung saan makokontrol ni Cao Cao ang emperador. Patuloy na pinilit ni Cao Cao ang kanyang awtoridad sa pamamagitan ng pagtalo sa makapangyarihang pinuno ng militar na si
Yuan Shao
sa Labanan ng Guandu noong 200.
- Antonino Pio
,
Romanong Emperador
- Comodo
, Romanong Emperador
- Adriano
,
Romanong Emperador
- Ireneo
, ikalawang obispo ng Lyon, may-akda ng
Laban sa mga Erehiya
- Lucio Vero
,
Romanong Emperador
- Marco Aurelio
,
Romanong Emperador
, pilosopo
- Septimio Severo
,
Romanong Emperador
- Trajano
,
Romanong Emperador
- Victor I
, obispo ng
Roma
.
- Zhang Heng
, Tsinong estadista,
manunula
,
imbentor
,
astronomo
,
heograpo
, at
inhinyero
.
- Cai Lun
, Tsinong imbentor
- Galen
, Griyegong manggagamot
- Ptolemy
, Greko-Ehipsiyanong astronomo,
astrologo
, heograpo at matematiko
- Plutarko
, Griyegong pilosopo, manunulat at dalubhasa sa kasaysayan
- Suetonio
, Romanong dalubhasa sa kasaysayan