Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
ika-16 na dantaon
(taon: AD 1501 ? 1600), ay nagsimula sa
Huliyanong
taon na 1501 at natapos sa Huliyano o
Gregoryanong
taon na 1600 (depende sa ginamit na pagtuos; ipinakilala ng kalendaryong Gregoryano ang isang paglaktaw ng 10 araw noong Oktubre 1582).
[1]
Pinapalagay ng mga dalubhasa sa
kasaysayan
ang ika-16 na siglo bilang ang dantaon na umangat ang
Kanluraning kabihasnan
at nangyari ang Panahon ng Islamikong Pulbura.
Noong ika-16 na dantaon, ipinakilala ang
Mauritius
sa mga
mapa
, ginalugad ng
Espanya
at
Portugal
ang
Karagatang Indiyano
at binuksan ang paglaganap sa buong mundo ng mga ruta sa kalakalan sa
karagatan
, at binigyan ng pahintulot si
Vasco da Gama
ng mga Sultang Indiyano na manirahan sa mayamang Sultanatong Bengal.
[2]
[3]
[4]
Naging kolonya ng Kastila at Portuges ang malaking bahagi ng
Bagong Mundo
, at habang namuno ang mga Portuges sa kalakalan sa Karagatang Indiyano sa
Asya
at
Aprika
, nagbukas ang mga Kastila ng kalakalan sa
Karagatang Pasipiko
, na dinudugtong ang
mga Amerika
at
Indya
.
Itinatag ng panahon na ito ng
koloniyalismo
ang merkantalismo bilang ang namamayaning paaralan ng kaisipang
ekonomiko
, kung saan tinitingnan ang sistemang ekonomiko bilang isang larong serong-kabuuan na sinasabing na kahit anong nakuhang pakinabang ng isang partido ay kinakailangan ang pagkalugi ng isa pa. Hinimok ang doktrinang merkantalista ang maraming digmaang intra-Europeo ng panahon na ito at masasabing nagpaalab sa pagpapalawak at
imperyalismo
ng
Europa
sa buong mundo hanggang
ika-19 na dantaon
o unang bahagi ng
ika-20 dantaon
.
Nagbigay ng malaking dagok ang
Repormang Protestante
sa awtoridad ng
papasiya
at sa
Simbahang Katoliko
. Namayani ang sa politikong Europeo ang pagtatalo sa
relihiyon
, na naging saligan sa mahabang Digmaang Tatlumpung Taon na nailatag sa pagtatapos ng siglo. Sa
Italya
, iba't ibang kontribusyon ang ginawa ng nangungunang mga taong
renasimiyento
na nagdulot sa pundasyon ng mahahalagang paksa na kinabibilangan ng
accounting
at
agham pampolitika
. Inimbento ni
Galileo Galilei
ang unang termometro at gumawa ng mahalagang kontribusyon sa larangan ng
Rebolusyong Siyentipiko
. Sa
Inglatera
, nagsulat ang Briton-Italyanong si Alberico Gentili ng unang aklat tungkol sa publikong batas pang-internasyunal at hiniwalay ang sekularismo mula sa
batas Kanoniko
at
teolohiyang Katoliko
.
- 1519:
Mayo 2
-
Leonardo da Vinci
, isang Italyanong Renasimyentong polimata: isang arkitekto, musikero, anatomista, imbentor, inhinyero, eskultor, heometro, at pintor (ipinanganak
1452
)
- Disyembre 8
– Itinatag ni Francisco Hernandez de Cordoba ang lungsod ng Granada,
Nicaragua
, ang pinakamatandang Hispanikong lungsod sa pangunahing lupain sa Kanlurang Hating-globo.
- ↑
Kumikiling ang mga reperensiyang gawa ng panahon na ito sa pagsunod sa pagkilala ng kalendaryong Gregoryano para sa pagsaalang-alang ng pagiging malinaw; sa gayon, sinsabi ng
katalogo ng pambuwan na eklipse ng NASA
na "Ginagamit ang kalendaryong Gregoryano para sa lahat ng petsa mulat 1582 Okt 15 pataas. Bago ang petsa, ginagamit ang kalendaryong Huliyano." Para sa mga petsa pagkatapos ng 15 October 1582, kailangang mag-ingat upang maiwasan ang pagkalito sa dalawang istilo.
- ↑
Vadime Elisseeff (1998).
The Silk Roads: Highways of Culture and Commerce
(sa wikang Ingles). Berghahn Books.
ISBN
978-1-57181-221-6
.
{{
cite book
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
Nanda, J. N (2005).
Bengal: the unique state
(sa wikang Ingles). Concept Publishing Company. p. 10. 2005.
ISBN
978-81-8069-149-2
.
Bengal [...] was rich in the production and export of grain, salt, fruit, liquors and wines, precious metals and ornaments besides the output of its handlooms in silk and cotton. Europe referred to Bengal as the richest country to trade with.
{{
cite book
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
"Portuguese, The - Banglapedia"
.
en.banglapedia.org
(sa wikang Ingles).
Inarkibo
mula sa orihinal noong 1 Abril 2017.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
Michael M. Tavuzzi (1997).
Prierias: The Life and Works of Silvestro Mazzolini Da Prierio, 1456-1527
. Duke University Press. p. 80.
ISBN
0-8223-1976-4
.
{{
cite book
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)