Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
ika-15 dantaon
(taon: AD 1401 ? 1500), ay isang
siglo
na sumasakop sa mga
taon
sa
kalendaryong Huliyano
mula
1401
hanggang
1500
.
Sa
Europa
, nakikita ang ika-15 dantaon bilang ang tulay sa pagitan ng Huling
Gitnang Panahon
at ang maagang
makabagong panahon
. Makikita sa paggunita ng maraming
panteknolohiya
,
panlipunan
at
pangkalinangang
pagsulong sa ika-15 dantaon bilang isang pagpapahayag ng himalang Europeo ng mga sumunod ng mga siglo. Ang perspektibong pang-
arkitektura
at ang larangan na kilala ngayong bilang
accounting
ay naitatag sa
Italya
.
Bumagsak ang
Constantinople
, na nakilala bilang ang Kabisera ng Sanlibutan at ang Kabisera ng
Imperyong Bisantino
(
Turkiya
ngayon), sa umuusbong na
Turkong Otomano
na
Muslim
, na tinatakda ang katapusan ng napakatinding impluwensiya ng Imperyong Bisantino at, para maraming dalubhasa sa kasaysayan, ang katapusan ng Gitnang Panahon.
[1]
Nagdulot ito ng paglipat ng mga paham na
Griyego
at mga teksto sa
Italya
, habang ang imbensyon ni
Johannes Gutenberg
na mekanikal na gumagalaw na tipo ang nagsimula ng
pag-imprenta
. Nagkaroon ng susing pagganap ang dalawang kaganapan na ito sa pagsulong ng
Renasimiyento
.
[2]
[3]
Nahati ang
Papasiyang
Romano sa dalawang bahagi sa Europa sa maraming dekada (ang tinatawag nilang Kanluraning Sisma o Paghahati), hanggang sa
Konseho ng Constancia
. Naiuugnay ang dibisyon sa
Simbahang Katoliko
at ang kaguluhan nito sa kilusang Husita na naging dahilan sa pag-usbong ng
Repormasyong Protestante
ng sumunod na siglo. Nabuwag ang Islamikong
Espanya
(Al-Andalus) sa pamamagitan ng Kristiyanong Reconquista, na sinundan ng puwersahang kombersyon at ang rebelyong Muslim,
na natapos sa pitong siglo ng pamumunong Islamiko at pagbalik sa Espanya,
Portugal
at Katimugang Pransya sa mga namumunong
Kristiyano
.
Ang paghanap para sa kayamanan at kaunlaran ng Sultanato ng Bengal sa
India
[5]
ay nagdulot sa
kolonisasyon
ng
mga Amerika
ni
Christopher Columbus
noong 1492 at ang Portuges na paglalayag ni
Vasco da Gama
, na nagdugtong sa Europa at sa subkontineteng Indiyano, na naghatid sa panahon ng mga imperoyong
Iberiyano
.
- 1452:
Abril 15
-
Leonardo da Vinci
, isang Italyanong Renasimyentong polimata: isang arkitekto, musikero, anatomista, imbentor, inhinyero, eskultor, heometro, at pintor (namatay
1519
)
- 1492:
Enero 15
– Nakipagpulong si
Christopher Columbus
kina
Fernando
at
Isabel
sa Alcazar de los Reyes Cristianos sa Cordoba, Andalusia, at hinimok silang suportahan ang kanyang Atlantikong paglalayag na nilayong hanapin ang isang bagong ruta patungo sa Silangang Indiyes.
- ↑
Crowley, Roger (2006).
Constantinople: The Last Great Siege, 1453
(sa wikang Ingles). Faber.
ISBN
0-571-22185-8
.
{{
cite book
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
(sinuri ni
Foster, Charles (22 Setyembre 2006).
"The Conquest of Constantinople and the end of empire"
.
Contemporary Review
(sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa
ang orihinal
noong 22 Agosto 2009.
It is the end of the Middle Ages
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
Encyclopædia Britannica,
Renaissance
, 2008, O.Ed. (sa Ingles)
- ↑
McLuhan 1962
harv error: no target: CITEREFMcLuhan1962 (
help
)
;
Eisenstein 1980
harv error: no target: CITEREFEisenstein1980 (
help
)
;
Febvre & Martin 1997
harv error: no target: CITEREFFebvreMartin1997 (
help
)
;
Man 2002
harv error: no target: CITEREFMan2002 (
help
)
- ↑
Nanda, J. N (2005).
Bengal: the unique state
(sa wikang Ingles). Concept Publishing Company. p. 10. 2005.
ISBN
978-81-8069-149-2
.
Bengal [...] was rich in the production and export of grain, salt, fruit, liquors and wines, precious metals and ornaments besides the output of its handlooms in silk and cotton. Europe referred to Bengal as the richest country to trade with.
{{
cite book
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "
Who was Cheng Ho?
".
Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book
. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York,
ISBN 0671604767
.,
Explorers and Pioneers
, pahina 111. (sa Ingles)