Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
ika-13 dantaon
(taon: AD 1201 ? 1300), ay isang
siglo
na tumagal mula Enero 1,
1201
hanggang Disyembre 31,
1300
sang-ayon sa
kalendaryong Huliyano
.
Sa panahong ito, itinatag ni
Genghis Khan
ang
Imperyong Mongol
, na sumakop mula
Silangang Asya
hanggang
Silangang Europa
. Binago ang kurso ng mundong
Muslim
ang mga pananakop ni
Hulagu Khan
at ibang mga pagsalakay ng Mongol, higit na kapansin-pansin ang Pagkubkob ng
Baghdad
(1258), ang pagwasak ng Bahay ng Karanungan at paghina ng mga Mamluk at Rum, na, sang-ayon sa mga dalubhasa sa kasayasayan, nagdulot ng paghina ng Ginintuang Panahong
Islamiko
. May ibang mga kapangyarihang Muslim tulad ng
Imperyong Mali
at
Sultanato ng Delhi
ang sumakop sa malaking bahagi ng
Kanlurang Aprika
at
subkontinenteng Indiyano
, habang nakaranas ang
Budismo
ng paghina. Sa kasaysayan ng kulturang Europeo, tinuturing ang panahon na ito bilang ang Mataas na
Gitnang Panahon
.
- Antonio ng Padua
, Pransikanong Portuges na prayle, obispo
- Cimabue
, Plorentinong pintor
- Dante Alighieri
, Plorentinong manunulat at manunula
- Isabel ng Ungria
, Ungarang prinsesa ng Kaharian ng Ungria
- Fibonacci
, Italyanong matematiko na nakilala sa pagtuklas ng mga
bilang na Fibonacci
- Francisco ng Asisi
, Umbriyanong tagapagtatag ng orden ng Pransikano
- Federico II
, emperador ng
Banal na Imperyong Romano
- Genghis Khan
, tagapagtatag ng
Imperyong Mongol
- Gertrudis Magna
, Katolikong Aleman na madre at espirtuwal na manunulat
- Giotto di Bondone
, Italyanong pintor
- Ibn Taymiyyah
, tanyag na Hanbali, iskolar na Salafi ng Islam
- Kublai Khan
, pinunong Mongol, tagapagtatag ng
Dinastiyang Yuan
sa Tsina
- Jalal Uddin Muhammad Rumi
, iskolar at sikat na manunula
- Louis IX ng Pransya
, San Louis, hari at krusadong Pranses
- Marco Polo
, manganalakal at manggagalugad na taga-Benisya
- Maagang ika-13 dantaon ? pininta ni Xia Gui ang
Labing-dalawang Tanaw mula sa isang Nakapawid na Kubo
, noong Dinastiyang Katimugang Song.
- Nagmula ang anyong motet mula sa tradisyong
Ars antiqua
ng
Kanluraning musikang Europeo
.
- Ang pinakamaagang kilang
kwitis
, mina, at baril ay ginawa ng mga Tsino para sa pakikipagdigma.
- Hiniram ng mga Tsino ang
mulino
mula sa Islamikong mundo.
- Naimbento ang salamin sa mata sa
Venice
,
Italya
.