Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
Imperyong Mongol
noong 1227 sa pagkamatay ni
Genghis Khan
Dobleng pilak na
dirham
ni
Ghazan Khan
na ginawa pagkatapos ng panghihimasok ng
Imam
na si
Ibn Taymiyyah
.
[1]
Harap:
Leyenda sa Arabe: ????? ??? ???? ???? ???? ???? ??? ???? ???? ????/ ??? ?????/ ?? ??? ??? ...?
L? il?ha illa ll?ha Mu?ammadun ras?lu ll?hi ?alla ll?hu ?alayhi wa-sallam / ?uriba Tabr?z / f? sanati sab?in ...
: "Walang ibang Diyos kundi si
Allah
, si
Muhammad
ang kanyang Propeta, sumakanya ang Kapayapaan / Naka-minta sa
Tabriz
sa taong ...7"
Likod:
Leyenda sa sulat Mongoliyano (maliban para sa "Ghazan Mahmud" sa Arabe):
Tengri-yin Kuchundur. Ghazan Mahmud. Ghasanu Deledkegulugsen
: "Sa pamamagitan ng kalakasan ng Kalangitan / Ghazan Mahmud / Ginawa ang barya para sa Ghazan".
Minta ng
Tabriz
. 4.0 gr (0.26 g). Pilak.
Ang pambungad na pahina ng isa sa mga gawang pangmedisina ni
Ibn al-Nafis
. Marahil na kopya ito na ginawa sa
India
noong
ika-17 dantaon
o
ika-18 dantaon
.
Ang
ika-13 dantaon
(taon: AD 1201 ? 1300), ay isang
siglo
na tumagal mula Enero 1,
1201
hanggang Disyembre 31,
1300
sang-ayon sa
kalendaryong Huliyano
.
Sa panahong ito, itinatag ni
Genghis Khan
ang
Imperyong Mongol
, na sumakop mula
Silangang Asya
hanggang
Silangang Europa
. Binago ang kurso ng mundong
Muslim
ang mga pananakop ni
Hulagu Khan
at ibang mga pagsalakay ng Mongol, higit na kapansin-pansin ang Pagkubkob ng
Baghdad
(1258), ang pagwasak ng Bahay ng Karanungan at paghina ng mga Mamluk at Rum, na, sang-ayon sa mga dalubhasa sa kasayasayan, nagdulot ng paghina ng Ginintuang Panahong
Islamiko
. May ibang mga kapangyarihang Muslim tulad ng
Imperyong Mali
at
Sultanato ng Delhi
ang sumakop sa malaking bahagi ng
Kanlurang Aprika
at
subkontinenteng Indiyano
, habang nakaranas ang
Budismo
ng paghina. Sa kasaysayan ng kulturang Europeo, tinuturing ang panahon na ito bilang ang Mataas na
Gitnang Panahon
.
- Antonio ng Padua
, Pransikanong Portuges na prayle, obispo
- Cimabue
, Plorentinong pintor
- Dante Alighieri
, Plorentinong manunulat at manunula
- Isabel ng Ungria
, Ungarang prinsesa ng Kaharian ng Ungria
- Fibonacci
, Italyanong matematiko na nakilala sa pagtuklas ng mga
bilang na Fibonacci
- Francisco ng Asisi
, Umbriyanong tagapagtatag ng orden ng Pransikano
- Federico II
, emperador ng
Banal na Imperyong Romano
- Genghis Khan
, tagapagtatag ng
Imperyong Mongol
- Gertrudis Magna
, Katolikong Aleman na madre at espirtuwal na manunulat
- Giotto di Bondone
, Italyanong pintor
- Ibn Taymiyyah
, tanyag na Hanbali, iskolar na Salafi ng Islam
- Kublai Khan
, pinunong Mongol, tagapagtatag ng
Dinastiyang Yuan
sa Tsina
- Jalal Uddin Muhammad Rumi
, iskolar at sikat na manunula
- Louis IX ng Pransya
, San Louis, hari at krusadong Pranses
- Marco Polo
, manganalakal at manggagalugad na taga-Benisya
- Maagang ika-13 dantaon ? pininta ni Xia Gui ang
Labing-dalawang Tanaw mula sa isang Nakapawid na Kubo
, noong Dinastiyang Katimugang Song.
- Nagmula ang anyong motet mula sa tradisyong
Ars antiqua
ng
Kanluraning musikang Europeo
.
- Ang pinakamaagang kilang
kwitis
, mina, at baril ay ginawa ng mga Tsino para sa pakikipagdigma.
- Hiniram ng mga Tsino ang
mulino
mula sa Islamikong mundo.
- Naimbento ang salamin sa mata sa
Venice
,
Italya
.