한국   대만   중국   일본 
1181 Lilith - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

1181 Lilith

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang 1181 Lilith ay isang metalikong asteroyd na matatagpuan sa gitnang rehiyon ng sinturon ng asteroyd , tinatayang nasa 23 kilometro (14 milya) sa diametro. Natuklasan ito ng astronomong Ruso - Pranses na si Benjamin Jekhowsky noong Pebrero 11, 1927 [1] [2] sa Obserbatoryong Alger sa Algeria , Hilagang Aprika , at ipinangalan sa kompositor na Pranses na si Lili Boulanger. [3] [4]

Pag-uuri at orbita [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

Ang Lilith ay isang di-pamilyang asteroyd sa likurang populasyon ng pangunahing sinturon kapag nilalapat ang kaparaanan ng pagkalipumpunan ng herarkiya sa mga wastong elementong orbital. [5] [6] [7] Umoorbita ito sa Araw sa gitnang sinturon ng asteroyd sa isang layo na 2.1?3.2  AU isang beses kada 4 na taon at 4 na buwan (1,587 araw). Mayroon ang orbita nito ng isang eksentrisidad na 0.20 at isang inklinasyon na 6° na may reperensya sa ekliptika. [8] Unang naobserba bilang A914 BA {{{2}}} sa Obserbatoryo ng Simeiz noong 1914, nagsimula ang arko ng obserbasyon ng Lilith sa 7 taon pagkatapos ang opisyal na obserbasyong pagtuklas nito, na ang unang nagamit na obserbasyon nito ay nagawa sa Obserbatoryo ng Konkoly noong 1934. [4]

Pagpapangalan [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

Ipinangalan ang planetang menor na ito ng nakatuklas sa kompositor na Pranses na si Marie-Juliette Olga Lili Boulanger (1893?1918), nakakabatang kapatid ng kilalang konduktor at kompositor na si Nadia Boulanger. Nagmula ang palayaw na "Lili" sa Lilith , ang unang asawa ni Adan sa mitolohiyang Hudyo ( H 110 ). [3]

Katangiang pisikal [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

Isang asteroyd na X-type ang Lilith sa Bus?Binzel na taksonomiyang SMASS. Naiuri din ito bilang isang asteroyd na P-type ng nakabase sa kalawakan na Wide-field Infrared Survey Explorer (WISE) ng NASA . [9]

Tingnan din [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

Mga sanggunian [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

  1. Discovery Circumstances: Numbered Minor Planets (1)-(5000) (sa Ingles)
  2. * JPL Small-Body Database Browser (sa Ingles)
  3. 3.0 3.1 Schmadel, Lutz D. (2007). "(1181) Lilith". Dictionary of Minor Planet Names (sa wikang Ingles). Springer Berlin Heidelberg. p. 99. doi : 10.1007/978-3-540-29925-7_1182 . ISBN   978-3-540-00238-3 . {{ cite book }} : CS1 maint: date auto-translated ( link )
  4. 4.0 4.1 "1181 Lilith (1927 CQ)" . Minor Planet Center (sa wikang Ingles) . Nakuha noong 21 Hulyo 2020 . {{ cite web }} : CS1 maint: date auto-translated ( link )
  5. "Asteroid 1181 Lilith ? Proper Elements" (sa wikang Ingles). AstDyS-2, Asteroids ? Dynamic Site . Nakuha noong 21 Hulyo 2020 . {{ cite web }} : CS1 maint: date auto-translated ( link )
  6. "Asteroid 1181 Lilith ? Nesvorny HCM Asteroid Families V3.0" . Small Bodies Data Ferret (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 21 Hulyo 2020 . Nakuha noong 21 Hulyo 2020 . {{ cite web }} : CS1 maint: date auto-translated ( link )
  7. Zappala, V.; Bendjoya, Ph.; Cellino, A.; Farinella, P.; Froeschle, C. (1997). "Asteroid Dynamical Families" . NASA Planetary Data System (sa wikang Ingles): EAR-A-5-DDR-FAMILY-V4.1 . Nakuha noong 21 Hulyo 2020 . {{ cite journal }} : CS1 maint: date auto-translated ( link ) ( PDS pangunahing pahina )
  8. "JPL Small-Body Database Browser: 1181 Lilith (1927 CQ)" (2020-06-17 last obs.) (sa wikang Ingles). Jet Propulsion Laboratory . Nakuha noong 21 Hulyo 2020 . {{ cite web }} : CS1 maint: date auto-translated ( link )
  9. "LCDB Data for (1181) Lilith" (sa wikang Ingles). Asteroid Lightcurve Database (LCDB) . Nakuha noong 25 Mayo 2016 . {{ cite web }} : CS1 maint: date auto-translated ( link )

Mga panlabas na link [ baguhin | baguhin ang wikitext ]