Ika-12 dantaon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa 1155 )
Milenyo : ika-2 milenyo
Mga siglo :
Mga dekada : dekada  1100 dekada 1110 dekada 1120 dekada 1130 dekada 1140
dekada 1150 dekada 1160 dekada 1170 dekada 1180 dekada 1190
Ang Silanganing Emisperyo sa simula ng ika-12 dantaon.
Nagpalit ng relihiyon ang Imperyong Gurida mula Budismo patungong Islam .
Sina Saladin Ayyubi at Guy ng Lusignan pagkatapos ng Labanan ng Hattin.

Ang ika-12 dantaon (taon: AD 1101 ? 1200), ay isang panahon mula 1101 hanggang 1200 sang-ayon sa kalendaryong Huliyano . Sa kasaysayan ng kalinangang Europeo, tinuturing ang panahon na ito bilang bahagi ng Mataas na Gitnang Panahon at tinatawag minsan bilang ang Panahon ng mga Cister . Ang Ginintuang Panahon ng Islam ay patuloy na nakakaranas ng kaunlaran, partikular ang Islamikong Espanya, Selyusida , at mga teritoryong Gurida . Karamihan sa mga Krusadong estado kabilang ang Kaharian ng Jerusalem ay bumagsak sa dinastiyang Ayyubid na itinatatag ni Saladin , na nilampasan ang mga Fatimid . Humarap ang dinastiyang Song sa Tsina ng isang pagsakop ng mga Jurchen , na nagdulot ng isang paghahating pampolitika sa hilaga at timog. Umusbong ang Imperyong Khmer ng Kambodya sa siglo na ito. Pagkasunod ng paglaki ng mga Ghaznavid at Imperyong Gurida , ang pananakop ng Muslim sa subkontinenteng Indiyano hanggang Bengal ay nagsimula sa huling bahagi ng dantaon.

Mga kaganapan [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

Ang kompleks ng templo ng Angkor Wat , na ginawa noong panahon ng paghahari ni Suryavarman II sa Kambodya noong Panahong Khmer.

Mga imbensyon, tuklas at pagpapakilala ayon sa taon [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

Ang Pagoda ng Liuhe sa Hangzhou, Tsina, 1165
  • 1104 : Ang Arsenal ng Benesiya sa Benesiya , Italya , ay itinatag. Kumukuha ito ng mga trabahador na bumibilang ng mga 16,000 tao para sa malawakang produksyon ng mga barkong naglalayag sa malaking linyang asembliya, daan-daang taon bago ang Rebolusyong Industriyal .
  • 1106 : Natapos ang pagtatayo ng Monasteryong Gelati.
  • 1107 : Pinagsama ng Tsinong inhenyero na si Wu Deren ang mekanikal na behikulong aguhon ng karwaheng tumuturo sa timog at ang sumusukat ng distansya na kagamitang odometer .
  • 1111 : Itinatag ang Tsinong Akademyang Donglin.
  • 1165 : Naitayo ang Pagoda ng Liuhe Pagoda sa Hangzhou , Tsina.
  • 1170 : Binigyan kahulugan ang Kristiyanong pagkaunawa na Purgatoryo . [4]
  • 1185 : Unang tala ng mga mulino .

Mahahalagang tao [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

Iluminasyon mula sa Liber Scivias na ipinapakita si Hildegard von Bingen na tinatanggap ang bisyon at dinidikta sa eskriba at sekretarya

Mga sanggunian [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

  1. Warren 1961 , p. 129.
  2. Warren 1961 , p. 159.
  3. Warren 1961 , p. 60-61.
  4. Le Goff, Jacques (1986). The Birth of Purgatory (sa wikang Ingles). Chicago: University of Chicago Press. ISBN   0226470822 . {{ cite book }} : CS1 maint: date auto-translated ( link )