Ang
ika-11 dantaon
(taon: AD 1001 ? 1100), ay isang panahon mula 1001 hanggang 1100 sang-ayon sa
kalendaryong Huliyano
at ang unang
siglo
sa
ikalawang milenyo
.
[1]
Sa
kasaysayan ng Europa
, tinuturing ang panahon na ito bilang ang unang bahagi ng Mataas na
Gitnang Panahon
.
Pagkatapos ng dagliang pag-akyat, mayroon biglaang paghina ng kapangyarihang
Bisantino
at ang pagbangon ng pagdomina ng mga Norman sa karamihan ng Europa, kasama ang prominenteng pagganap sa
Europa
ng kapuna-punang mga maimpluwensyang
papa
. Nagkaroon ang Kristiyanidad ng pormal na sisma o paghahati sa siglo na ito na yumabong noong nakaraang mga siglo sa pagitan ng Romanong Kanluran at Bisantinong Silangan, na nagdulot ng paghiwalay sa dalawang pinakamalaking dominasyon hanggang sa panahon ngayon: ang
Romano Katolisismo
at
Silanganing Ortodoksiya
. Sa Hilagang
Italya
, nagdulot ang paglago ng populasyon sa pag-angat ng unang organisadong
kapitalismo
at mas sopistikadong kulturang komersyo noong huling bahagi ng ika-11 dantaon. Sa
Silangang Europa
, nagkaroon ng ginutuang panahon para sa prinsipalidad ng Kievan Rus.
Sa
dinastiyang Song
sa
Tsina
at klasikong mundong Islamiko, minarka ng siglong ito ang mataas na punto para sa parehong klasikong Tsinong
kabihasnan
,
agham
at
teknolohiya
, at klasikong
Islamikong
agham,
pilosopiya
at
panitikan
. Nilikha ng magkakalabang pampolitikang pangkat sa dinastiyang Song ang patatalo sa mga nangungunang estadista at ministro ng imperyo. Naabot ang taluktok ng militar na kalakasan at internasyunal na impluwensiya ng Kalipatong Fatimid sa
Ehipto
, ang
mga Ghaznavid
, at ang
dinastiyang Chola
sa
Indya
. Ang Kanluraning Imperyong Chalukya (ang kalaban ng Chola) ay bumangon din sa kapangyarihan sa dulo ng siglo.
Sa siglo na ito, dumating sa kapanyarihan ang mga Turkong
dinastiyang Seljuk
sa
Kanlurang Asya
sa pira-pirasong lupain ngayon na
Abbasid
, habang ang
una
sa mga
Krusada
ay isinakatuparan tungo sa pagsasara ng siglo.
Sa
Hapon
, namayani ang
angkang Fujiwara
sa mga kapakanang estado.
Sa
Korea
, yumabong ang Kaharian ng
Goryeo
at hinarap ang panlabas na banta mula sa
dinastiyang Liao
(
Manchuria
).
In
Vietnam
, nagsimula ang
dinastiyang Ly
, habang sa
Myanmar
, naabot ng
Kahariang Pagan
ang rurok ng kapangyarihang pampolitika at militar.
Sa mga Amerika, yumabong ang mga kabihasnang Toltec at Mixtec sa
Gitnang Amerika
, kasama ang Kalinangang Huari ng
Timog Amerika
at kulturang Mississippiyano ng
Hilagang Amerika
. Nakasentro sa palibot ng Lawa Titicaca ang Imperyong Tiwanaku na bumagsak noong unang kalahati ng siglo.
- Ab? 'Al? al-Ha?an ibn al-Haytham
(kilala din bilang Alhazen), matematiko, astronomo at pisikong taga-Iraq
- Ab? 'Al? al-Husayn ibn S?n?
(kilala din bilang Avicenna), Persiyanong
polimata
: pisiko, pilosopo, astronomo at lohiko
- Al-Ghazali
(kilala din bilang Algazel), bantog na paham na Muslim
- Alexios I Komnenos
, Bisantinong Emperadorr
- Edward ang Kompesor
, Hari ng Inglatera
- El Cid
(Rodrigo Diaz de Vivar), Kastilyanong maharlika
- Ferdowsi
, dakilang manunulang Persiyano, may-akda ng sikat na epikong
Shahnameh
- Fujiwara Michinaga
, makapangyarihang rehimenteng Hapon
- Murasaki Shikibu
, babaeng manunulat na Hapon
- Omar Khayyam
, Persiyanong manunula, matematiko, pilosopo at astronomo
- Robert Guiscard
, Norman na mananakop ng Katimugang Italya at Sisilya
- Sei Sh?nagon
, manunulat, isang Haponesang babae ng maharlikang kortet
- Stephen I
, hari ng Unggriya
- Urbano II, Papa
- William ang Mananakop
, pinuno ng Normandiya at Inglatera