Ang
Sin?iju
((
Pagbabaybay sa Koreano:
[?i.n?i.dzu]
);
Sin?iju-si
) ay isang lungsod sa
Hilagang Korea
na nakatapat sa
Dandong
,
Tsina
sa kabilang panig ng pandaigdigang hangganan ng
Ilog Yalu
. Ito ay kabisera ng lalawigan ng
Hilagang P'y?ngan
. Bahagi ng lungsod ay nakasama sa
Natatanging Pampangasiwaang Rehiyon ng Sin?iju
, na itinatag noong 2002 upang magsubok sa pagpapakilala sa
pampamilihang ekonomiya
.
Pinaunlad bilang pangunahing pamayanan noong
pamumuno ng Hapon sa Korea
sa dulo ng isang tulay ng daambakal sa kabilang panig ng Ilog Yalu (Amrok), matatagpuan ito 7 milya kanluran ng kondado ng ?iju, ang lumang lungsod kung saang nagmula ang pangalang Sin?iju (na nangangahulugang “Bagong ?iju”). Bilang isang bukas na pantalan, lumago ito lalo na sa konersiyo kalakip ng industriyang pagtotroso na gumagamit ng Ilog Yalu upang dalhin ang troso. Dagdag diyan, pinausbong ang industriyang kimikal pagkaraang itinayo ang Hidroelektrikong Saplad ng Sup'ung sa dakong itaas sa ilog.
Noong
Digmaang Koreano
, pansamantalang nilipat ni
Kim Il-sung
at ng kanyang pamahalaan ang kabisera sa Sin?iju, kasunod ng kanilang paglisan ng
P'y?ngyang
[2]
[3]
- bagaman paglapit ng mga puwersang UNC (
United Nations Coalition
), lumipat ang pamahalaan sa
Kanggye
.
[3]
Dinanas din ng lungsod ang mabigat na pagkasira mula sa pambobomba mula himpapawid bilang bahagi ng estratehikong pagbobomba ng Hilagang Korea ng
Hukbong trategic bombing of North Korea
ng
Hukbong Himpapawid ng Estados Unidos
. Itinayo muli ang lungsod magmula wakas ng digmaan.
Hinahangganan ang Sin?iju ng
Ilog Yalu
, at ng mga kondado ng P'ihy?n at Ryongch'?n. Ang taas ng lungsod ay 4 talampakan, o mga isang metro, sa ibabaw ng lebel ng dagat. May ilang mga pulo sa bunganga ng Ilog Yalu - Pulo ng Wihwa-do, Pulo ng Imdo, Pulo ng Ryuch'o-do, at Pulo ng Silangang Ryuchodo (Tongryuch'o-do).
Bilang isang sentro ng magaang industriya sa Hilagang Korea, ang Sin?iju ay may plantang gumagawa ng naka-
enamel
na kagamitang bakal. Gayundin, mayroon itong pagawaan ng tela, gilingan ng papel at isang pabrika ng afforestation. Ang timog-kanlurang daungan nito ay may pagawaan ng mga barko, bagaman ang pangunahing gawain ng pagawaang ito ay ang wari bagang paglalansag ng mga barko para sa kapirasong metal at ibang mga maaari pang gamitin na materyales sa halip ng paggawa ng mga bagong barko. Ang lugar ay may mga planta ng ulitang gamit (
recycling plants
) na ulitang ginagamit ang maraming mga materyales, kabilang ang mga produktong hindi pinapahintulot ang muling paggamit sa Tsina.
[4]
[5]
[6]
Matatagpuan ang Sin?iju Cosmetics Factory sa Namsin?iju (Timog Sin?iju).
Isang malaking bahagi ng pandaigdigang kalakalan ng Hilagang Korea, kapuwa ligal at iligal, ay dumadaan sa Sin?iju at Dandong, sa kabila ng Ilog Yalu sa Tsina.
[7]
Mula noong 2002, nakasentro ang buhay-komersiyo sa Pamilihan ng Chaeha-dong.
[8]
Batay sa imaheng buntabay na kinuha noong ika-30 ng Oktubre 2012, nawasak na ang pamilihan at kasalukuyang ginagawa na isang bagong liwasan.
[8]
Ang Sin?iju ay may populasyon na 359,341 noong 2008,
[1]
isang pagdagdag mula sa tinatayang populasyon nito na 352,000 noong 2006.
Ilan sa mga kilalang pook-palatandaan at pasilidad sa Sin?iju ay ang Sin?iju High School, Sin?iju Commercial High School, Eastern Middle School, Sin?iju Light Industry University, Sin?iju University of Medicine at ang Sinuiju University of Education. Kabilang sa mga matanwing lugar ang Tonggun Pavilion, Waterfall, at Hot Springs.
Mayroon din isang
ruweda
na nakatanaw sa Ilog Yalu na iniulat na sira.
[9]
- ↑
1.0
1.1
"2008 Census of Population of the Democratic People's Republic of Korea conducted on 1?15 October 2008"
(PDF)
. United Nations Statistics Division. Inarkibo mula sa
ang orihinal
(PDF)
noong 31 Marso 2010
. Nakuha noong
23 Septiyembre
2017
.
- ↑
Sandler, Stanley (1999).
The Korean War: No Victors, No Vanquished
. The University Press of Kentucky. p.
108
.
{{
cite book
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
3.0
3.1
Mossman, Billy (2005 Hunyo 2005).
United States Army in the Korean War: Ebb and Flow November 1950-July 1951
. University Press of the Pacific. p. 51.
- ↑
Rank, Michael (15 Marso 2013).
"North Korean-Taiwan nuclear waste deal thwarted over export permit"
. NK Economic Watch. Inarkibo mula sa
ang orihinal
noong 6 Disyembre 2011
. Nakuha noong
19 Marso
2013
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
Rank, Michael (30 Hunyo 2008).
"North Korea in bid to recycle toxic waste"
. The Telegraph. Inarkibo mula sa
ang orihinal
noong 2010-07-12
. Nakuha noong
19 Marso
2013
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
"Dalian-based Huatai Recycling Resources Co Ltd"
(sa wikang Tsino)
. Nakuha noong
19 Marso
2013
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
Jane Perlez and Yufan Huang (31 Marso 2016).
"A Hole in North Korean Sanctions Big Enough for Coal, Oil and Used Pianos"
.
The New York Times
. Nakuha noong
Abril 3,
2016
.
China accounts for about 90 percent of North Korea's trade. Half of that business is estimated to flow through Dandong...
{{
cite news
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
8.0
8.1
"Market expansion: Sinuiju"
. North Korea Economic Watch. 3 Abril 2013. Inarkibo mula sa
ang orihinal
noong 6 Disyembre 2011
. Nakuha noong
9 Abril
2013
.
{{
cite web
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
Kane, Daniel (Oktubre 22, 2010).
"Observations from Dandong"
.
NK News
. Nakuha noong
18 Disyembre
2016
.
Further in shore I spotted Sinuiju's signature monument, the Ferris wheel that doesn't move.
{{
cite news
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- Cathcart, Adam, and Charles Kraus, “Peripheral Influence: The Sin?iju Student Incident of 1945 and the Impact of Soviet Occupation in North Korea,”
Journal of Korean Studies
, Vol. 13 (2008), pp. 1?28.
- Dormels, Rainer. North Korea's Cities: Industrial facilities, internal structures and typification. Jimoondang, 2014.
ISBN
978-89-6297-167-5
May kaugnay na midya tungkol sa
Sinuiju
ang Wikimedia Commons.
|
|
Ranggo
|
Pangalan
|
Paghahating pampangasiwaan
|
Pop.
|
Ranggo
|
Pangalan
|
Paghahating pampangasiwaan
|
Pop.
|
|
Pyongyang
Hamhung
|
1
|
Pyongyang
|
Pyongyang Capital City
|
3,255,288
|
11
|
Sunchon
|
Timog Pyongan
|
297,317
|
Chongjin
Nampo
|
2
|
Hamhung
|
Hilagang Hamgyong
|
768,551
|
12
|
Pyongsong
|
Timog Pyongan
|
284,386
|
3
|
Chongjin
|
Hilagang Hamgyong
|
667,929
|
13
|
Haeju
|
Timog Hwanghae
|
273,300
|
4
|
Nampo
|
Timog Pyongan
|
366,815
|
14
|
Kanggye
|
Chagang
|
251,971
|
5
|
Wonsan
|
Kangwon
|
363,127
|
15
|
Anju
|
Timog Pyongan
|
240,117
|
6
|
Sinuiju
|
North Pyongan
|
359,341
|
16
|
Tokchon
|
Timog Pyonggan
|
237,133
|
7
|
Tanchon
|
Timog Hamgyong
|
345,875
|
17
|
Kimchaek
|
Hilagang Hamgyong
|
207,299
|
8
|
Kaechon
|
Timog Pyongan
|
319,554
|
18
|
Rason
|
Rason Special Economic Zone
|
196,954
|
9
|
Kaesong
|
Hilagang Hwanghae
|
308,440
|
19
|
Kusong
|
Hilagang Pyongan
|
196,515
|
10
|
Sariwon
|
Hilagang Hwanghae
|
307,764
|
20
|
Hyesan
|
Ryanggang
|
192,680
|
|
---|
Pandaigdigan
| |
---|
Pambansa
| |
---|
Heograpiko
| |
---|