Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
|
Makakatulong po kayo sa
pagpapabuti nito
sa pamamagitan ng
pagdagdag ng mga
maaasahan at mapagkakatiwalaang sanggunian
.
Tandaan
lamang po na
agad na tatanggalin
ang mga
kaduda-dudang materyales
nang walang sanggunian o di kaya'y mahina ang pagkakasangguni.
|
Pete Best
|
---|
|
Kapanganakan
| 24 Nobyembre 1941
|
---|
Mamamayan
| United Kingdom
|
---|
Trabaho
| drummer, musiko
|
---|
Si
Randolph Peter Best
o
Pete Best
(ipinanganak noong 24 Nobyembre 1941) ay ang orihinal na
mananambol
ng
The Beatles
(bago napalitan ni
Ringo Starr
). Ipinanganak siya sa
Madras
,
India
na ang ina ay isang
Indiyana
at ang ama ay isang
Ingles
. Sa paglaon, naging pag-aari ng kaniyang inang si Mona ang Casbah Club na nasa
Liverpool
, kung saan paminsan-minsang nagtatanghal ang The Beatles. Naging mananambol si Best ng pangkat mula 1960 hanggang
Agosto 16
,
1962
, nang patalsikin siya ng banda at ng kanilang bagong tagapangasiwa na si
Brian Epstein
, at siya nga ay napalitan ni Ringo Starr. Ang dahilan ng pagpapalit ay dahil sa noong mag-awdisyon ang banda para sa
EMI
, hindi nasiyahan ang
prodyuser ng rekord
na si
George Martin
sa kasanayan at kakayahan ni Best sa pananambol, at binalak na palitan siya sa kanilang mga pagrerekord.
Nasira ang kalooban ni Best, at sumubok siyang bumuo ng ibang mga banda na kaunti lamang ang pananagumpay. Nagtangka siyang magpakamatay noong
1965
, subalit nakaligtas, at naghanapbuhay bilang isang
tagapaglingkod na sibil
. Noong
1995
, nang ilabas ng The Beatles ang kanilang mga album na
Anthology
, na itinampok si Best sa ilang mga pagrerekord, tumanggap siya ng isang malaking kabuoan ng salapi magmula sa mga pagbebenta. Nakatagpo siya ng isang bagong karera, ang paglitaw sa ilang mga kaganapang may kaugnayan sa The Beatles, katulad ng mga
kumbensiyon
(mga pagpupulong), kung saan paminsan-minsan siyang tumutugtog ng mga tambol, na mas mahigit ang kakayahan at kasanayan kaysa sa naipakita niya dati.
|
---|
Pandaigdigan
| |
---|
Pambansa
| |
---|
Akademya
| |
---|
Artista
| |
---|
Iba pa
| |
---|
Ang lathalaing ito na tungkol sa
Talambuhay
at
Inglatera
ay isang
usbong
. Makatutulong ka sa
Wikipedia
sa
pagpapalawig
nito.