Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Paghihiwalay ng simbahan (relihiyon) at estado sa buong mundo.
Mga bansang walang opisyal na relihiyon ng estado
Mga bansang may opisyal na relihiyon ng estado
Hindi alam o hindi malinaw
Ang
Pagkakahiwalay ng Simbahan at ng Estado
ay isang konseptong legal at politikal, kung saan ang mga institusyon ng estado at ng simbahan ay pinapanatiling magkahiwalay sa bawat aspekto ng pagtugon sa mga isyu ng kanilang mga institusyon nang walang pamamagitan o pakikialam ng bawat isa. Sa konseptong ito nasusukat ang kalayaan ng pananampalataya ng bawat mamayan.
Ang terminong ito ay supling ng pariralang "pader na naghihiwalay sa pagitan ng simbahan at estado" na nakasulat sa liham ni
Thomas Jefferson
sa Danbury Baptist Association (Samahang Bautista ng Danbury) noong 1802. Ang orihinal na teksto ay mababasang: "
Aking pinagnilayan na may soberanyang paggalang ang akto ng buong mga mamamayang
Amerikano
na nagdedeklarang ang kanilang
tagapagbatas
ay hindi dapat gumawa ng
batas
na rumirespeto sa pagtatag ng relihiyon o nagbabawal sa malayang pagsasanay nito
. Ang pariralang ito ay unang sinipi ng
Kataas-taasang Hukuman ng Estados Unidos
noong 1878 at sa mga sunod sunod na
kasong
mula noong 1947.
Ang pariralang "paghihiwalay ng simbahan at estado" ay hindi mismong makikita sa
Saligang Batas ng Estados Unidos
. Ang
Unang Susog sa Saligang Batas ng Estados Unidos
ay nagsasaad na ang "kongreso ay hindi dapat gumawa ng batas na rumirespeto sa pagtatag ng relihiyon o pagbabawal sa malayang pagsasanay nito". Gayunpaman, bago ang 1947, ang mga probisyon o kondisyong ito ay hindi itinuturing na lumalapat sa lebel ng mga estado ng Estados Unidos. Ang katunayan, noong 1870 at 1890, may mga bigong pagtatangkang isininagawa upang amiyendahan ang
konstitusyon
upang ipatupad ito. Ito ay naipatupad sa isang desisyong ng korte ng Estados Unidos noong 1947.
Ang konseptong separasyon ng simbahan at estado ay tinanggap sa ilang mga
bansa
. Ang katulad na mahigpit na prinsipyo ay nilalapat sa mga bansang
Pransiya
at
Turkiya
samantalang ang ilang mga
sekular
na bansa gaya ng
Noruwega
,
Dinamarka
at
United Kingdom
ay nagpapanitili ng pagkikilala sa mga
saligang batas
nito ng opisyal na relihiyon ng estado. Ang konseptong ito ay maipaparis sa iba't ibang mga internasyonal na panlipunan at pampolitika na mga ideya gaya ng
sekularismo
,
disestablisyemento
,
kalayaang relihiyoso
at
pluralismong relihiyoso
. Ayon kay Whitman, sa maraming mga bansang
Europeo
, ang estado sa paglipas ng mga
siglo
ay pumalit sa tungkuling panlipunan ng
simbahan
(church) na nagsanhi sa pangkalahatang
sekularisasyon
(pagiging hindi relihiyoso) ng sakop pampubliko (o pang-mamamayan) sa mga bansang ito.
Sa Artikulo 2 ng "Deklarasyon ng mga Prinsipyo at mga Patakarang Pang-estado" ng 1987 na
Saligang Batas ng Pilipinas
, seksiyon VI, ang paririlang "Ang separasyon ng simbahan (relihiyon) at estado ay hindi malalabag" ay inuulit mula sa 1973 at 1935 na saligang batas ng Pilipinas.
Gayunpaman, ang ilang mga politiko o kandidato ay malakas pa ring naiimpluwensiyahan ng iba't ibang mga relihiyong
Kristiyano
lalo na ang
Romano Katoliko
. Ang mga politiko/kandidatong ito ay napipilitang magpasailalim sa hinihingi o kondisyon ng mga pinuno ng mga relihiyong ito dahil sa pananakot ng mga ito sa hindi pagsuporta o pagendorso tuwing may
halalan
sa Pilipinas.