Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Bilang isang pagtatala ng paglipas ng
panahon
, ang
ika-14 na dantaon
(taon: AD 1301 ? 1400), ay isang
siglo
na tumagal mula Enero 1, 1301 hanggang Disyembre 31, 1400. Sa panahong ito, nakaranas ang
Kanlurang Aprika
at
subkontinenteng Indiyano
ng paglago ng
ekonomiya
at kaunlaran.
Sa
Europa
, kinuha ng
Salot na Itim
ang 25 milyong buhay ? nilipol ang isang-katlo ng
populasyon
sa
Europa
[1]
? habang lumaban ang
Kaharian ng Inglatera
at Kaharian ng
Pransya
sa mahabang Isang Daang Digmaan pagkatapos ng pagkamatay ni Carlos IV, Hari ng Pransya na nagdulot sa pag-angkin sa trono ng Pransya ni Eduardo III ng Inglatera. Tinuturing ang panahon na ito bilang ang pinakamataas na punto ng
kagalantihan
at tinatakda ang simula ng matibay na magkahiwalay na identidad para sa parehong Inglatera at Pransya gayon din ang pundasyon ng
Renasimiyentong Italyano
at
Imperyong Otomano
.
Sa
Asya
, itinatag ni
Tamerlane
(Timur) ang
Imperyong Timurida
. Tinataya ng mga paham na nagdulot ang kampanyang militar ni Timur ng 17 milyong tao na namatay, na nasa 5% ng kabuuang populasyon ng mundo noong mga panahon na iyon. Kasabay nito, umusbong ang Renasimiyentong Timurid. Sa mundong
Arabe
, nagkaroon ng malaking kontribusyon ang dalubhasa sa kasaysayan at siyentipikong pampolitika na si
Ibn Khaldun
at manggagalugad na si
Ibn Battuta
.
Sa
India
, nahati ang Sultanatong Bengal mula sa
Sultanato ng Delhi
, isang pangunahing bansang nangangalakal sa mundo. Isinalarawan ng mga Europeo ang sultanato bilang ang pinakamayamang bansa na maaring makipagkalakalan.
[2]
Napalayas mula sa
Tsina
ang korteng Mongol at nagretiro sa
Mongolia
, bumagsak ang
Ilkanato
, nabuwag ang Chaghatayid at naging dalawang bahagi, at nawala ang posisyon ng
Ginintuang Horda
bilang isang mahalagang kapangyarihan sa
Silangang Europa
.
Sa
Aprika
, ang mayamang
Imperyong Mali
, isang imperyong nangununa sa produksyon ng
ginto
sa daigdig, ay naabot ang panteritoryo at ekonomikong rurok sa ilalim ng paghahari ni Mansa Musa I ng
Mali
, ang pinakamayamang indibiduwal noong
panahong medyebal
, at sang-ayon sa mga iba't ibang sanggunian, siya ang pinamayaman sa lahat ng panahon.
[3]
[4]
- 1371:
Zheng He
, marino at tagapaglayag mula sa Tsina
[5]
- ↑
Black Death
, Encyclopaedia Britannica (sa Ingles)
- ↑
Nanda, J. N (2005).
Bengal: the unique state
(sa wikang Ingles). Concept Publishing Company. p. 10. 2005.
ISBN
978-81-8069-149-2
.
Bengal [...] was rich in the production and export of grain, salt, fruit, liquors and wines, precious metals and ornaments besides the output of its handlooms in silk and cotton. Europe referred to Bengal as the richest country to trade with.
{{
cite book
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
Thad Morgan,
"This 14th-Century African Emperor Remains the Richest Person in History"
Naka-arkibo
2019-05-01 sa
Wayback Machine
.,
History.com,
Marso 19, 2018 (sa Ingles)
- ↑
Davidson, Jacob (Hulyo 30, 2015).
"The 10 Richest People of All Time"
.
Time
(sa wikang Ingles).
Inarkibo
mula sa orihinal noong Agosto 24, 2015
. Nakuha noong
Enero 5,
2017
.
{{
cite news
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
https://www.khanacademy.org/partner-content/big-history-project/expansion-interconnection/exploration-interconnection/a/zheng-he
. Isinangguni noong ika-11 ng Marso, 2018. (sa Ingles)