Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang
ika-12 dantaon
(taon: AD 1101 ? 1200), ay isang panahon mula
1101
hanggang
1200
sang-ayon sa
kalendaryong Huliyano
. Sa kasaysayan ng
kalinangang
Europeo, tinuturing ang panahon na ito bilang bahagi ng Mataas na
Gitnang Panahon
at tinatawag minsan bilang ang
Panahon ng mga Cister
. Ang Ginintuang Panahon ng Islam ay patuloy na nakakaranas ng kaunlaran, partikular ang Islamikong Espanya,
Selyusida
, at mga teritoryong
Gurida
. Karamihan sa mga Krusadong estado kabilang ang Kaharian ng
Jerusalem
ay bumagsak sa dinastiyang Ayyubid na itinatatag ni
Saladin
, na nilampasan ang mga
Fatimid
. Humarap ang
dinastiyang Song
sa
Tsina
ng isang pagsakop ng mga
Jurchen
, na nagdulot ng isang paghahating pampolitika sa hilaga at timog. Umusbong ang
Imperyong Khmer
ng
Kambodya
sa
siglo
na ito. Pagkasunod ng paglaki ng mga
Ghaznavid
at
Imperyong Gurida
, ang pananakop ng Muslim sa
subkontinenteng Indiyano
hanggang
Bengal
ay nagsimula sa huling bahagi ng dantaon.
- Sa
timog-silangang Asya
, may hidwaan sa pagitan ng
Imperyong Khmer
at
Champa
. Ginawa ang
Angkor Wat
sa ilalim ng haring
Hindu
na si
Suryavarman II
. Sa dulo ng siglo, ang Budistang si
Jayavarman VII
ay naging pinuno.
- Nasa panahong
Heian
ang
Hapon
. Nagawa ang
Ch?j?-jinbutsu-giga
at naiuugnay kay
Toba S?j?
. Huling napunta sa ito sa
K?zan-ji
,
Kyoto
.
- Nagsimulang umunlad ang
Gitnang Ingles
, at nagsimulang kumalat ang literasiya sa labas ng Simbahan sa buong
Europa
.
Karagdagan dito, dumadami ang mga taong simbahan na pumayag na kumuha ng sekular na pagganap. Sa katapusan ng siglo, hindi bababa sa isang-katlo ng mga obispo ng
Inglatera
ang nagsibli din bilang mga maharlikang hukom para sa mga alalahaning sekular.
- Sa dulo ng dantaon, pangunahing umaasa ang parehong Dinastiyang Capet at ang Bahay ni Anjou sa mga mersinaryong militar. Mayroon sa buong taon ang mga sundalong binabayaran, hindi tulad ng mga
kabalyero
na inaasahan ng ilang panahon ng bakasyon upang mapanatili ang kanilang buhay
asyenda
.
Mga imbensyon, tuklas at pagpapakilala ayon sa taon
[
baguhin
|
baguhin ang wikitext
]
- 1104
: Ang Arsenal ng Benesiya sa
Benesiya
,
Italya
, ay itinatag. Kumukuha ito ng mga trabahador na bumibilang ng mga 16,000 tao para sa malawakang produksyon ng mga barkong naglalayag sa malaking linyang asembliya, daan-daang taon bago ang
Rebolusyong Industriyal
.
- 1106
: Natapos ang pagtatayo ng Monasteryong Gelati.
- 1107
: Pinagsama ng Tsinong inhenyero na si Wu Deren ang mekanikal na behikulong
aguhon
ng karwaheng tumuturo sa timog at ang sumusukat ng distansya na kagamitang
odometer
.
- 1111
: Itinatag ang Tsinong Akademyang Donglin.
- 1165
: Naitayo ang Pagoda ng Liuhe Pagoda sa
Hangzhou
, Tsina.
- 1170
: Binigyan kahulugan ang
Kristiyanong
pagkaunawa na
Purgatoryo
.
[4]
- 1185
: Unang tala ng mga
mulino
.
- Adrianp IV
, papa
- Alexius I Komnenos
, emperador
- Ibn Rushd
, Islamikong Kastilang polimata
- Eleanor ng Aquitania
, reyna konserte ng Pransya at
Kaharian ng Inglatera
sa kalaunan
- Francisco ng Asisi
, Santo, tagapagtatag ng Orden ng Prayleng Minor
- Frederick Barbarossa
, Banal na Romanong Emperador
- Genghis Khan
, Dakilang Khan ng
Imperyong Mongol
- Enrique II ng Inglatera
, hari at Duke ng Normandiya
- Hildegard of Bingen
, Santo,
polimata
at unang Kanluraning kompositor ng musika na nakilala sa pamamagitan ng kanyang pangalan
- Louis VI ng Pransiya
, hari
- Louis VII ng Pransiya
, hari
- Maimonides
, pilosopong Hudyo
- Minamoto no Yoritomo
, sh?gun ng Hapon, tagapagtatag ng shogunato ng Kamakura
- Omar Khayyam
,
Persiyanong
manunula at astronomo
- Richard I ng Inglatera
, hari at Duke ng Normandiya
- Ricardo ng Chichester
, Santo, obispo
- Saladin
, pinuno ng
Ehipto
at
Syria