Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si
Haring David
o
David ben Yishay
[nangangahulugang "David na anak ni
Isai
"] (
Ebreo
:
??? ?? ???
) ay isa sa mga magigiting na hari ng
Israel
.
[3]
Sa katunayan, siya ang ikalawa at isa sa mga pinakatanyag na hari ng mga
Israelita
at isang taong pinakamadalas na binabanggit sa
Tanakh
at sa
Bibliya
. Itinuturing din siyang isang propeta sa pananampalatayang
Islam
. Kaugnay sa Tanakh at sa Bibliya, sinabing nangako ang
Diyos
na pamumunuan ng mga kasapi ng mag-anak ni David ang isang kahariang magtatagal magpasawalanghanggan. Sinasabi pa rin na isinilang si
Hesus
mula sa angkan ni David at nilarawan pang si Hesus ang "Anak ni David" na mamumuno sa kaharian ng Diyos nang magpasawalanghanggan.
[3]
Sa
Koran
at sa
Islamikong
tradisyon, si David ay kilala bilang
Dawud
at isa sa mga
propeta
ng Islam, na kung kanino ang
Zabur
("
Mga Salmo
") ay ipinakita ng Diyos (
Allah
). Ang Islamikong pananaw ay nagtataglay ng maraming katangian mula sa kasaysayang Hudyo ng buhay ni David, tulad ng labanan nila ng higanteng si Goliath (
Galut
), ngunit itinatakwil ang paglalarawan sa kaniya ng Bibliya bilang isang mangangalunya at mamamatay-tao - ang pagtatakwil na ito ay dahil sa kabutihan ng mga Propeta ng Diyos ayon sa Islam (kapuna-puna, ngunit mababakas sa karaniwang pagkakamaling-tao) at sa diwa ng
ismah
, o ang pagiging walang-sala ng mga propeta. Ayon sa ilang mga Islamikong tradisyon
[4]
siya ay hindi taga-
Judah
, kundi ay taga-
Levi
at
Aron
.
Ebidensiyang arkeolohikal laban sa malawakang kaharian ni David na inilarawan sa Bibliya
[
baguhin
|
baguhin ang wikitext
]
Ayon sa arkeologong Israeli na si
Israel Finkelstein
at Silberman na sumulat ng
The Bible Unearthed
: Archaeology's New Vision of Ancient Israel and the Origin of Its Sacred Texts
,
, sa panahon ng
Kaharian ng Israel (nagkakaisang monarkiya)
nina
David
at
Solomon
, ang
Herusalem
ay may populasyon lamang ng 100 o kaunti na salungat sa inilalarawan sa
Bibliya
na ang imperyo ni David at Solomon ay mula sa
Ilog Eufrates
hanggang
Eilath
. Ayon sa aklat ni Finkelstein na
The Bible Unearthed
, ang ebidensiyang arkeolohikal ay nagpapakitang ang "Kaharian ng Israel" sa panahon ni Solomon ay isa lamang maliit na lungsod kaya hindi posibleng si Solomon ay tumanggap ng
tributo
na 666
talento
ng
ginto
kada taon. Ayon din kay Finkelstein, ang pinakamaagang independiyenteng reperensiya sa Kaharian ng Israel ay noong 890 BCE at sa
Kaharian ng Juda
ay noong 750 BCE. Dahil sa pagkiling at propaganda ng mga may akda ng Bibliya, inalis nito ang mga natamo ng kaharian ni
Omri
na inilarawan sa Bibliya na mga
politeista
at nilagay sa sinasabing gintong kapanahunan ng
monoteismo
at sa mga deboto ng pakisyong maka-
Yahweh
. Ayon sa iskolar na si
Thomas L. Thompson
. ang Herusalem ay naging siyudad laman noong gitnang ika-7 siglo BCE.
[6]
Sa karagdagan, sinabi ni Finkelstein na walang ebidensiyang ang
Templo ni Solomon
ay umiral.
- ↑
http://www.timelineindex.com/content/view/3041
.
- ↑
http://www.poemhunter.com/king-david-of-israel/
.
- ↑
3.0
3.1
The Committee on Bible Translation (1984).
"David"
.
The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV)
. International Bible Society, Colorado, USA.
{{
cite ensiklopedya
}}
: CS1 maint: date auto-translated (
link
)
- ↑
Behar al Anvar V:13 P:440, Tafseer Al-Qomi V:1 P:82, The story of Prophets of Jazayeri Page 331
- ↑
Thompson, Thomas L., 1999,
The Bible in History: How Writers Create a Past
, Jonathan Cape, London,
ISBN
978-0-224-03977-2
p. 207
Ang lathalaing ito na tungkol sa
Kasaysayan
,
Bibliya
at
Pananampalataya
ay isang
usbong
. Makatutulong ka sa
Wikipedia
sa
pagpapalawig
nito.