한국   대만   중국   일본 
Timba - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Timba

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Bucket )
Isang timba na kulay narangha.

Ang timba (Ingles: bucket , pail ), na kilala rin bilang balde , tuong , taong , pimbrera , pumbrera , o kalalang , ay isang uri ng lalagyan na pangkaraniwang hindi tinatagusan ng tubig at kahugis ng binumbong o bariles o kaya ng balisuso na may tinapyas o pinungos na dulo. Mayroon itong bukas na tuktok at isang patag na ilalim na pangkaraniwang nakadikit sa isang hawakan (panghawak) na hugis na hatimbilog . Ang isang timba ay maaaring may bukas na tuktok o maaari ring may isang takip. Iba't iba ang sukat ng mga timba (katulad ng 5, 10, 15 mga litro; o kaya 5 o 10 mga galon). Puwede itong yari sa mga materyal na katulad ng metal at polietelina . Ang hawakan ng timba ay maaaring gawa mula sa metal o plastik . Ilan sa pangkaraniwang gamit ng timba ay ang gamitin itong panalok o pangadlo at pang-igib ng tubig.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong . Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.