Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Nakaturo ang "700" dito. Para sa bilang, tingnan ang
700 (bilang)
.
Ang
ika-7 dantaon
(taon: AD 601 ? 700), ay isang panahong mula
601
hanggang
700
sang-ayon sa
kalendaryong Huliyano
sa
Karaniwang Panahon
. Ang
populasyon
ng mundo ay lumiit sa mga 208 milyong katao.
[1]
Sa panahong ito, ang pagkalat ng
Islam
at ang mga pananakop na Muslim ay nagsimula sa pagsama-sama ng Arabia ni
Propeta Muhammad
simula noong
622
. Pagkatapos mamatay ni Muhammad noong
632
, lumawak ang Islam lagpas ng
Tangway ng Arabia
sa ilalim ng Kalipatong Rashidun (632?661) at Kalipatong Umayyad (661?750). Nagdulot ng pagbasak ng Imperyong Sasanida ang pananakop ng Muslim ng
Persya
noong ika-7 siglo. Nasakop din noong ika-7 dantaon ang
Syria
,
Palestina
,
Armenia
,
Ehipto
, at
Hilagang Aprika
.
Patuloy na nagdusa ng mga kabiguan ang
Imperyong Bisantino
noong mabilisang pagpapalawak ng Imperyong Muslim.
Sa
Tangway ng Iberia
, ang ika-7 siglo ay ang
Siglo de Concilios
, ang siglo ng mga konseho, na tumutukoy sa mga Konseho ng Toledo.
Sa Tsina, pinalitan ang
dinastiyang Sui
ng
dinastiyang Tang
, na gumawa ng mga base militar mula
Korea
hanggang
Gitnang Asia
at sumunod sa mga
Umayyad
sa kalaunan. Naabot ng
Tsina
ang rurok nito. Kumampi ang
Silla
sa dinastiyang Tang, na napasuko ang
Baekje
at tinalo ang
Goguryeo
upang mapag-isa ang
Tangway ng Korea
sa ilalim ng iisang pinuno.
Nanatili ang
panahong Asuka
sa
Hapon
sa buong ikapitong siglo.
Ipinag-isa ng
Harsha
ang Hilagang
Indya
, na bumalik sa maliliit na mga republika at estado pagkatapos ng pagbagsak ng
Imperyong Gupta
noong ika-6 na dantaon.