Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Nagsimula ang
ika-2 dantaon BC
noong unang araw ng
200 BC
at nagtapos noong huling araw ng
101 BC
. Tinuturing na bahagi ito ng Klasikong panahon, bagaman, depende sa rehiyon na pinag-aaralan, maaring mas angkop ang ibang katawagan. Tinuturing din ito bilang katapusan ng Aksyal na Panahon.
[1]
Sa konteksto ng
Silangang Mediteranyo
, tinutukoy ito bilang ang panahong Hellenistiko.
Sariwa pa mula sa mga tagumpay sa
Ikalawang Digmaang Puniko
, nagpatuloy na pagpapalawak ng
Republikang Romano
sa mga katabing teritoryo, sa kalaunan, sinanib ang
Gresya
at ang baybayin ng
Hilagang Aprika
, pagkatapos wasakin ang
Kartago
noong wakas ng
Ikatlong Digmaang Puniko
. Naramdaman ang impluwensya ng
Roma
sa
Malapait na Silangan
, habang ang pagguho ng mga Hellenistikong estado tulad ng
Imperyong Seleucid
ay napuwersang gumawa ng mga kasunduan sa kagustuhan ng Roma upang maiwasan ang paghaharap sa mga bagong amo ng kanluraning
Mediteranyo
. Nasaksihan ng dulo ng siglo ang reporma sa Hukbong Romano mula sa isang mamamayang hukbo tungo sa boluntaryong propesyunal na puwersa, sa loob ng gabay ng mga kilalang heneral at estadista na si
Cayo Mario
(Reporma ni Mario).
Sa
Timog Asya
, gumuho ang
Imperyong Maurya
sa
Indya
nang pinaslang si Brihadnatha, ang huling emperador, ni
Pushyamitra Shunga
, isang heneral na Maurya at tagapagtatag ng
Imperyong Shunga
.
Sa
Silangang Asya
, naabot ng
Tsina
ang pinakamataas na punto sa ilalim ng
Dinastiyang Han
. Pinalawak ng Imperyong Han ang mga hangganan nito mula
Korea
sa silangan hanggang sa
Vietnam
sa timog hanggang sa mga hangganan ng lugar na
Kazakhstan
na ngayon sa kanluran. Sa ika-2 siglo BC din, pinadala ng Han ang manggagalugad na si
Zhang Qian
upang galugarin ang mga lupain sa kanluran at upang buuin ang isang alyansa sa mga
Yuezhi
at labanan ang mga nomadikong tribo ng
Xiongnu
.
[2]