Ang
Alemanya
(
Aleman
:
Deutschland
), opisyal na
Republikang Pederal ng Alemanya
, ay bansang matatagpuan sa
Gitnang Europa
. Pinapaligiran ito ng
Dinamarka
,
Dagat Hilaga
, at
Dagat Baltiko
sa hilaga;
Pransiya
,
Luksemburgo
,
Belhika
, at
Nederlandiya
sa kanluran;
Austria
at
Suwisa
sa timog; at
Polonya
at
Tsekya
sa silangan. Nagbabahagi rin ito ng hangganang maritimo sa
Suwesya
. Sumasaklaw ang bansa ng 375,600 km
2
at tinatahanan ng higit 82 milyong mamamayan, sa gayo'y ikalawang pinakamataong bansa sa kontinente. Ang kabisera at pinakamataong lungsod nito ay
Berlin
.
Pagkatapos ng
Unang Digmaang Pandaigdig
at Himagsikang Nobyembre, sa semi-presidensyal na
Republikang Weimar
. Dumulot ang pag-angat ng kapangyarihan ng
Partido Nazi
sa pagtatatag ng totalitaryong diktadura, na humantong sa
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
at
Holokausto
.
Pagkatapos ng
Estados Unidos
, ang Alemanya ay ang pangalawang pinakasikat na destinasyon paglipat sa mundo.
[1]
Sa kabuuan ng kaniyang kasaysayan, ang Alemanya ay naging bahagi ng iba't ibang estado. Isang maliit na lugar na kung tawagin ay
Germania
(
wikang Latin
) ang tinirahan ng mga taong Hermaniko noong mga 100 AD.
Ito ay nabuo lamang bilang estado mula 1871 hanggang 1945 (74 taon), at muli na namang nahati pagkatapos ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
sa dalawa:
Republikang Pederal ng Alemanya
na nakilala bilang
Kanlurang Alemanya
at
Demokratikong Republika ng Alemanya
na nakilala naman bilang
Silangang Alemanya
. Noong 3 Oktubre 1990, bumagsak ang Silangang Alemanya sa Kanlurang Alemanya at muling nabuo ang bansa. Ang
Berlin
ang kabisera at ang pinakaimportanteng lungsod.
Mga pangalan ng Alemanya sa mga wikang Europeo. Mula sa:
? Tribong Alamanni
? Tribong Saxon
? Di-sigurado
Dahil sa lokasyong heograpikal nito sa gitna ng
Europa
at bagong pagkakaisa nito, kilala ang Alemanya sa iba't ibang pangalan na nag-iiba batay sa wika ng, na inspirasyon ng mga taong bumuo nito. Halimbawa, sa
wikang Aleman
ay kilala ang bansa na
Deutschland
mula sa Old High German diutisc, sa Pranses bilang Allemagne mula sa pangalan ng tribong Alamanni, sa Italyano bilang Germania mula sa Latin Germania (bagaman ang mga Aleman ay tinatawag na tedeschi) , sa Polish bilang Niemcy mula sa Proto-Slavic nemets, at sa Finnish bilang Saksa mula sa pangalan ng tribong Saxon.
Nagmumula ang pangalang
Deutschland
sa salitang Matandang Alemang Mataas na
diutisc
, o mga katulad na variant mula sa Proto-Germanic *Þeudiskaz (Old English þeod), na orihinal na nangangahulugang "ng bayan" at unang ginamit bilang pagtatalaga ng mga mamamayang Aleman. Ito naman ay nagmula sa salitang Germanic na nangangahulugang "folk" (na humahantong sa Old High German diot, Middle High German diet), at ginamit upang makilala ang mga nagsasalita ng mga Germanic na wika at ang mga nagsasalita ng Celtic o Romance na mga wika. Ang mga salitang ito ay nagmula sa *teuta, ang salitang Proto-Indo-European para sa "mga tao".
Ang
diskong selestiyal ng Nebra
na nadiskubre sa Burol ng Mittelberg ay mahigit 3,600 taong gulang na.
Nadiskubre sa Alemanya ang mga buto ng pre-humanong
Danuvius guggenmosi
na nasa Alemanya 11 milyong taon sa nakaraan. at pinaniniwalaang ang isa sa mga pinakamaagang nakalakad gamit ang dalawa nitong paa. Natuklasan sa munting bayan ng Mauer ang posil ng
Homo heidelbergensis
, na nagpapakitang tinahanan ng mga sinaunang tao ang lupaing Aleman di-bababa sa 600,000 taon ang nakalipas. Natagpuan naman sa Lambak ng Neander ang mga labi ng arkaikong
Neandertal
, espesye ng taong mahigit 400,000 nang lumisan.
Ang bansa ng Alemanya ay masagana sa kasaysayan na nagmula noong 100 BC. Maliit lamang ang kaalaman sa dating Alemanya ngunit alam na ang mga tribong Hermaniko ay madalas naglaban sa
Imperyo ng Roma
.
Nang ika-9 siglo ay kumalat ang
Kristyanismo
sa bansa. Dito din pinanganak si
Martin Luther
, isang monghe na naghimagsik sa batas ng
Simbahan
at nagsimula ng bagong relihiyon na ang
Protestanismo
. Ito ang naging mitsa ng Panahon ng Repormasyon.
Nang ika-19 siglo naman ay dumating ang sikat na
Kaharian ng Prusya
at sa pamumuno ni
Otto von Bismarck
at nakita ang tagumpay sa mga digmaan laban sa
Dinamarka
at
Austria
. Sa mga huling taon ng siglo natatag ang impyero ng Alemanya pagkatapos sa pagpapanalo sa digmaan laban sa
Pranses
.
Nang ika-20 siglo naman ang karanasan ng bayan ng
Unang Digmaang Pandaigdig
at ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
.
Pagkatapos ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
, nahati ang bansa sa silangan at kanluran. Ang
Dingding ng Berlin
ang naghati sa gitna ng kabisera at naging simbolo ng
Digmaang Malamig
.
Nang 1989, pinatumba ang Dingding ng Berlin at nagkasama ulit ang kanluran at silangan. Sa kasulukuyan, ang ekonomiya ng Alemanya ay isa sa mga pinakamahusay sa mundo.
Ang Alemanya ay isang
kulturang indibidwalistiko
na isang uri ng ng
kultura
na ang pagpapahalaga ay nasa isang
indibidwal
o sarili kesa sa isang
grupo
. Ang mga kulturang indidbidwalistiko ay nagbibigay halaga sa sariling pananaw, pribasiya,
autonomiya
(pangangasiwa sa sariling buhay), pag-asa sa sarili at sariling sikap. Ang mga Aleman ay gumagamit ng diretsang pakipagtalastasan, naghahayag sa sariling naisin, at gumagamit ng mga iba't ibang paraan upang maayos ang mga alitan sa ibang kapwa tao. Ang Alemanya ay isang uri ng
may mababang pagitan ng kapangyarihan
(low power distance culture) kung saan ito ay nagbibigay halaga sa bawat indibidwal na walang tinitingnang estado o katayuan sa buhay at nagtatakwil ng kawalang kapantayan sa lipunan. Tinatakwil ng mga Aleman ang mga autoridad sa ikabubuti ng bawat indibidwal na bahagi ng isang lipunan.