한국   대만   중국   일본 
Yoon Eun-hye - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Pumunta sa nilalaman

Yoon Eun-hye

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isa itong pangalang Koreano ; ang apelyido ay Yoon .
Yoon Eun-hye
Si Yoon noong Setyembre 2018
Kapanganakan ( 1984-10-03 ) 3 Oktubre 1984 (edad  39)
Nagtapos Kyung Hee Cyber University
Chung-Ang University [1]
Trabaho
Aktibong taon 1998?kasalukuyan
Ahente J Army entertainment
Tangkad 1.69
Pangalang Koreano
Hangul 윤은혜
Hanja
Binagong Romanisasyon Yun Eun-hye
McCune?Reischauer Yun ?nhye

Si Yoon Eun-Hye (ipinanganak Oktubre 3, 1984) ay isang artista, direktor, mang-aawit, modelo, at tagapaglibang mula sa bansang Timog Korea . Unang lumabas si Yoon Eun-hye sa industriya ng paglilibang bilang kasapi ng Baby V.O.X sa gulang na labing-lima, na pinalitan ang dating miyembro na si Lee Gai noong 1999. Siya ay naging sub-vocal ng pangkat. [2]

Noong 2006, unang lumabas sa pag-arte si Yoon sa romantikong komedya na Princess Hours . May mga tagahanga ng palabas ang inusisa ang kakayahan ni Yoon sa pag-arte at nag-petisyon laban sa kanyang pagiging pangunahing bida at hiniling na palitan siya. [3] Sa kabila ng kontrobersiya, naging matagumpay ang Princess Hours sa ibayong Asya at nagdulot kay Yoon na maging bituing Hallyu . [4] [5]

Noong 2007, naging pangunahing bida si Yoon sa Koreanovela ng MBC na Coffee Prince . Gumanap siya bilang tomboy na napagkamalang lalaki ng kanyang tagapag-empleyo. [6] Isa uling tagumpay kay Yoon ang seryeng iyong, na pinuri ng mga kritiko ang pagganap niya sa karakter. [7] Sa ika-44 na Baeksang Arts Awards , nanalo siya bilang ang Pinakamahusay na Aktres, ang pinakabatang nakatanggap na parangal na iyon. [8] Dahil sa tagumpay niya sa Coffee Prince at Princess Hours , si Yoon ang naging isa sa mga mataas na binabayarang aktres sa industriya. [9]

Mga sanggunian [ baguhin | baguhin ang wikitext ]

  1. "Yoon Eun-hye to go to grad school" . Korea JoongAng Daily (sa wikang Ingles). 14 Marso 2012. {{ cite web }} : CS1 maint: date auto-translated ( link )
  2. "윤은혜, 베이비복스 막내에서 브라운관(브라운管) 톱스타로" . The Daily (sa wikang Koreano). 16 Enero 2009. {{ cite web }} : CS1 maint: date auto-translated ( link )
  3. "Female singers' soap roles provoke viewer anger" . Korea JoongAng Daily (sa wikang Ingles). 20 Setyembre 2005. {{ cite web }} : CS1 maint: date auto-translated ( link )
  4. "Princess Hours (Goong)" . Visit Korea (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2017-08-20 . Nakuha noong 2017-08-09 . {{ cite web }} : CS1 maint: date auto-translated ( link )
  5. "10 Hallyu Stars" . The Korea Times (sa wikang Ingles). 14 Oktubre 2007. {{ cite web }} : CS1 maint: date auto-translated ( link )
  6. "Yoon Eun-hye Goes From Girl Group to Boy Actor" . The Chosun Ilbo (sa wikang Ingles). 8 Agosto 2017. {{ cite web }} : CS1 maint: date auto-translated ( link )
  7. "Interview with Yoon Eun-hye, who played the role of Koh Eun-chan in Coffee Prince" . MBC Global Media (sa wikang Ingles). 27 Hunyo 2007. {{ cite web }} : CS1 maint: date auto-translated ( link )
  8. "윤은혜 "받아도 되는지 모르겠다"...최우수상 받자 눈물 철철" . My Daily (sa wikang Koreano) . Nakuha noong 2007-09-09 . {{ cite web }} : CS1 maint: date auto-translated ( link )
  9. "10 Hallyu Stars" . The Korea Times (sa wikang Ingles). 14 Oktubre 2007. {{ cite web }} : CS1 maint: date auto-translated ( link )