Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tandang pagkakakilanlan ng Wikipedia.
Ang
Wikipedia
ay isang
ensiklopedya
na may
malayang nilalaman
na magkasamang sinulat ng mga tagapag-ambag mula sa buong mundo. Isang itong
wiki
- ibig sabihin, maaaring makapag-edit ang kahit sino ng mga artikulo sa pamamagitan ng pagpindot sa
Baguhin
.
Ang
Wikipedia
ay isang tatak at pagmamay-ari ng
Wikimedia Foundation, Inc.
o
Pundasyong Wikimedia
.
Sakop ng lisensiyang
unported
(walang hurisdiksyon, hal. bansa) na
Creative Commons
Attribution-ShareAlike 3.0 (CC BY-SA) ang lahat ng mga teksto sa Wikipedia, pati na rin ang karamihan sa mga larawan at iba pang nilalaman. Pag-aari pa rin ng mga lumikha ang kanilang mga inambag, samantalang tinitiyak naman ng lisensiyang GFDL na malayang maipapamahagi at mailalabas ang mga nilalaman nito (pakitingnan ang
Karapatang-ari
at ang
Mga Pagtatanggi
para sa karagdagang impormasyon).
Tungkol sa Wikipediang Tagalog
Logo
ng Tagalog Wikipedia.
Ang
Wikipediang Tagalog
ay ang edisyon ng
Wikipedia
sa wikang
Tagalog
. Sang-ayon sa ibang mga Wikipedista ng mga Tagalog at Ingles na Wikipedia, ang Wikipediang ito na rin ang kumakatawan sa wikang
Filipino
.
[1]
[2]
[3]
Kasaysayan
Sinimulan ang Tagalog Wikipedia,
Ang Malayang Ensiklopedya
, noong 1 Disyembre 2003. Sa kasalukuyan, mayroon na itong
47,408
mga artikulo.
[4]
. Naging ika-10,000 artikulo ang
Bantayan, Cebu
noong 20 Oktubre 2007, samantalang ang
Pasko sa Pilipinas
ang naging ika-15,000 noong 24 Disyembre 2007.
[5]
Naabot ang ika-16,000 artikulo nang malathala ang
Pandaka pygmaea
noong 11 Marso 2008.
[6]
Nakumpleto sa
Betawiki
(o
Translatewiki.net
) ang pagsasapook o lokalisasyon ng pagsasalinwika ng mga mensaheng pangsopwer ng Tagalog Wikipedia noong 6 Pebrero 2009.
[7]
Estadistika
Dahil sa iginawang pagbubura ng mga maiikling arikulo na nagsimula noong 2018, bumaba ang bilang ng mga artikulo na nakalathala sa 45,000 noong Disyembre 2022.
Mga unang hakbang ng Tagalog Wikipedia
Tingnan din
Paanyaya
Ibang mga wika sa Pilipinas na may Wikipedia
Mga panlabas na kawing
Mga kawing patungo sa ibang mga edisyon ng Wikipedia sa ibang mga wika ng Pilipinas
Mga kawing sa iba pang mga Wikipedia na nasa ibang mga wika
Iba pang mga kaugnay na kawing
Mga sanggunian