한국   대만   중국   일본 
TVJ's new show on TV5 is called EAT... | PEP.ph
The Wayback Machine - https://web.archive.org/web/20230701115933/https://www.pep.ph/guide/tv/174224/tvj-noontime-show-eat-a5132-a716-a5132-20230701

TVJ's new show on TV5 is called "EAT..."; TVJ yet to reclaim Eat Bulaga! name

What does "eat" stand for?
TVJ
(L-R) Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon perform theme song of “Eat Bulaga!" on pilot telecast of their noontime show on TV5. At the end of the show, they reveal “EAT...” as temporary title of their program.
PHOTO/S: Screengrab @TV Philippines YouTube

EAT... ang pangalan ng bagong noontime show nina Tito Sotto , Vic Sotto , at Joey de Leon —kilala rin sa tawag na TVJ—at ng legit Dabarkads sa TV5.

Inanunsiyo nila ito sa pagtatapos ng pilot telecast ng show ngayong Sabado ng hapon, July 1, 2023.

Pero tila pansamantala lang ito base sa mga salitang binitawan ni Vic tungkol sa pinaglalaban ng TVJ n a Eat Bulaga! trademark.

"Dabarkads, hinihintay pa rin namin ang pag-uwi ng pangalang itinawag sa amin for almost 44 years," pahayag ni Vic.

Patuloy ni Vic, "Sa ngayon, Dabarkads, ang mahalaga ay sama-sama kami, sama-sama tayo.

"May nagkalinga po sa amin nung panahon na di namin alam kung papaano at saan kami dadalhin ng tadhana.

"Ang title po namin. Eto na, marami naghihintay nito...ang title na kung ano ang alam niyo na tawag sa amin.

"Ipinapangako po namin na E-A-T, E=every day ang tawanan!"

Singit ni Tito, "E-A-T, eto ang tunay!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi naman ni Joey, "E-A-T, eto ang tears. Hindi. Eto ang truth."

Dugtong ni Vic, "Puwede ring E-A-T, eto ang tinadhana."

Dagdag ni Joey, "Basta, E-A-T, eto ang title."

Sabi ulit ni Vic, "Kaya buong bansa, buong mundo, E-A-T, every day, always together."

Sa isang banda, siniguro ng TVJ na patuloy ang misyon nila magbigay ng isang libo at isang tuwa sa mga manonood.

Sabi pa ni Joey, "Pitong presidente na po ang dumaan sa apat na istasyon na aming nilipatan...

"Marami pang record ang puwede pa nating gawin na tayo ay magkakasama, pero ang pinakamabigat na tumatak sa amin..."

Singit ni Vic, "Ay yung malaman namin na..."

Dugtong ni Joey, na waring naluluha, "...na mahal niyo kami."

OPENING NUMBER

Bago magsimula ang programa, isang enggrandeng production number papasok sa TV5 studio ang handog ng mga hosts na sina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Allan K, Ryan Agoncillo, Maine Mendoza, Ryzza Mae Dizon, at Carren Eistrup habang kinakanta ang "Sugod" ng Pinoy rock band na Sandwich.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May hiwalay ding song number sina Allan K at Carren; sumayaw naman sina Maine, Ryzza Mae, at Ryan; at kumanta sina Jose, Wally, at Paolo.

Read: Eat Bulaga! war and how it changes Philippine TV: A Timeline

Naging madamdamin ang grand entrance ng TVJ nang kantahin nila ang "Ikaw Ang Aking Mahal" ng VST & Company —ang singing group nina Tito at Vic noong 1970s.

Read: Tito, Vic & Joey todo-promote ng noontime show nila sa TV5

INITIAL CLUE ABOUT TVJ'S SHOW TITLE

Ang inaabangan ng lahat na anunsiyo sa bagong titulo ng kanilang programa ay nangyari nang kantahin ng TVJ at "legit Dabarkads" ang iconic theme song ng Eat Bulaga!

Kapansin-pansin kasi na p inalitan lamang nila ng "EAT," ang linyang "Eat Bulaga" sa jingle.

Read: JoWaPao on joining TVJ despite offer from TAPE: "Hindi mo puwede mabili ang utang na loob o respeto."

Binitin pa ng TVJ ang pormal na pag-anunsiyo ng titulo ng kanilang programa, kahit ilang beses nang binanggit, mala-chant, ang "E-A-T!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isang punto ay isa-isa pang nagbigay ang Dabarkads ng kanilang pakahulugan sa acronym na E-A-T.

Tito: "Eto Ang Tunay."

Maine: "Eto Ang Tadhana."

Ryzza: "Everyday Ang Tawanan."

Allan K: "Eto Ang Tinuod."

Carren: "Eto Ang True."

Ryan: "Everybody All Together."

Wally: ."Eto Ang Tahanan."

Paolo: ."Estopadong Adodobong Talakitok."

Jose: ."Eto Ang Tagay."

Joey and Vic: ."Eto Ang Title."

Read: TVJ at Dabarkads, nag-pictorial na para sa noontime show nila sa TV5

Hanggang sa dulo ng show ay inanunsiyo na nga ng TVJ ang pangalang "E-A-T."

Bago tinapos ang show, nag-zoom in ang camera sa LED screen sa likod ng Dabarkads kunsaan makikita ang bagong logo ng kanilang show title at ang nakalagay ay "EAT..."

EAT is the name of new TVJ show

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MORE STORIES ABOUT #EATBULAGAWAR

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network
Close
© 2023 Philippine Entertainment Portal Inc. All Rights Reserved
(L-R) Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon perform theme song of “Eat Bulaga!" on pilot telecast of their noontime show on TV5. At the end of the show, they reveal “EAT...” as temporary title of their program.
PHOTO/S: Screengrab @TV Philippines YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
  • 50%