Paglalarawan ng ruta
baguhin
Nagsisimula ito sa sangandaan nito sa
Abenida Commonwealth
malapit sa
Sandiganbayan
at terminal ng Batasan Tricycle Operators and Drivers Association (BATODA) bilang isang lansangang anim ang mga Iinya. Isang tunel na nangangalang
Batasan Tunnel
ay nakompleto noong 2001 at ginagamit ng mga motorista papuntang Abenida?Commonwealth. Tutuloy naman ang daan papunta sa sangandaan nito sa?Filinvest 1 Road na patungong Subdibisyon ng Filinvest 1. Tutuloy naman ang daan bilang lansangang sampu ang mga linya papunta sa
Pambansang Paaralang Sekundarya ng Batasan Hills
at Katimugang Tarangkahan ng
hugnayan ng Batasang Pambansa
. Ang tarangkahang ito ay dating ginamit bilang pasukan para sa mga bisita, subalit simula noong nangyari ang?
pambobomba sa Batasang Pambansa noong 2007
,?tanging mga Miyembro ng Kapulungan lamang ang makakagamit ng pasukan. Sa sangandaan nito sa?
Daang Batasan?San Mateo
, babalik ang daan sa pagiging anim ang mga linya at dadaan patungo sa?
Komisyon sa Serbisyo Sibil
(o CSC),
Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad
(o DSWD), at ang Hilagang Tarangkahan ng
Batasang Pambansa
na ginagamit ngayon bilang pasukan para sa mga media, bisita, at empleyado ng Kapulungan. Dadaan naman ang daan?sa mga kabahayan sa paligid ng Payatas at paglampas ng
Daang Payatas
(o Manila Gravel Pit Road) na ginagamit ng mga tao patungong paligid ng Payatas at
Rodriguez
,
Rizal
. Tatapos ang daan?sa ligid ng Litex kung saan tutumbukin nito muli ang Abenida Commonwealth.
Mga sanggunian
baguhin