Ang
bus
, na kilala rin bilang
omnibus
,
multibus
,
autobus
, o
otobus
(mula sa
kastila
autobus
at
omnibus
), ay isang malaking sasakyang panlupa at pangkalsada na may mga gulong na may layuning maglulan ng mga maraming iba't ibang mga tao na kasama ang isang
tagapagmaneho
, drayber o
tsuper
. May kakayahang maglulan ang bus na maaaring umabot sa 300 na mga pasahero.
[1]
Malawakang ginagamit ang mga bus sa operasyon ng palingkuran o serbisyong pangtransportasyon na may
iskedyul
o
talatakdaan
ng pag-alis at pagdating sa
hintuan ng bus
o
sakayan ng bus
(
bus stop
sa Ingles) na nasa
bangketa
o lakaran ng tao sa gilid ng kalye. Ang isang gusali kung saan naghihintay ang mga tao ng mga bus na pangmalayuang-biyahe o kung saan nagtitipon ang maraming mga bus ay tinatawag na
istasyon ng bus
o
himpilan ng bus
. Maraming mga uri ng bus sa buong mundo.
Ang pangalan
bus
ay ang pinaiksing salitang Latin na
omnibus
na may kahulugang "para sa lahat ng tao".